ASIAD: GOLD AASINTAHIN NG PH ARCHERS

Archery

HANGZHOU, China — Buena manong gold o silver medal sa Asian Games para sa PH archers sa loob ng 44 taon.

Ito ang target ng pitong archers na nakatakdang sumabak sa 19th Hangzhou Asian Games sa Sept. 23-Oct. 8 sa suporta ng Philippine Sports Commission (PSC).

Babalikat sa tropa nina World Archery Philippines, Inc. chairman Felizardo ‘Jun’ Sevilla, Jr. at president Jesus Clint Aranas, si Paul Marton Dela Cruz ang unang nagbigay ng medalya sa bansa nang maging medal sport sa continental quadrennial sportsfest ang archery noong 1978 sa Bangkok.

“Mahirap pong magsalita. Basta prepared kami at gagawin namin ang best para maka-medal,” sabi ni Dela Cruz.

Tinudla niya ang bronze sa 2018 Jakarta-Palembang Asiad sa men’s individual compound.

Kasama niya sa non-Olympic compound archery na papana sa women’s individual at team events sina veteran internationalists Ma. Amaya Paz-Cojuangco at Andrea Robles.

Gigiya naman sa Olympic event recurve squad ang magkapatid na Bidaure — Pia Elizabeth Angel at Gabrielle Monica na mga papalaso sa women’s at individual. Miyembro sila ng national squad na nag-gold sa 2022 Vietnam SEA Games.

Sa men’s individual at team ay makikipagsapalaran sina Feliciano Jayson Feliciano at Jonathan Reaport, 19.