ASIAN SEED CONGRESS SALUDO SA VILLAR SIPAG FARM

Senadora Cynthia Villar

NAMANGHA at saludo ang 80 delegado ng Asian Seed Congress mula sa 49 bansa sa ipinamalas na taniman ng iba’t ibang gulay, prutas at mga bulaklak sa may anim na ektaryang lupain ng Villar SIPAG Farm sa bahagi ng Barangay San Nicolas 1 sa Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.

Hindi makapaniwala ang mga delegado na karamihan ay nagmula sa Tsina, India, Hapones at Europa dahil sa kakaibang pagtatanim ng mga gulay at prutas kung saan sa kanilang bansa ay hindi nasilayan.

Nagpasalamat naman si Senadora Cynthia Villar sa pamunuan ng  East-West Seed dahil ang napiling lugar na pagdarausan ng East-West Seed Filed Day 2018 ay ang Villar SIPAG Farm. Kasangga ng East-West Seed Company ang Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) sa pagdaraos ng training programs sa farm schools sa Cavite at sa bayan ng San Jose Del Monte sa Bulacan.

“I Would like to take this opportunity na magpasalamat sa East-West Seed for generously sharing their expertise to our trainees, lalo na sa vegetable farming,” pahayag ni Sen. Villar.

Isa sa patuloy na sumusuporta sa Villar SIPAG Farm ay si Dexter Gonzales (project engineer) kung saan sinabi nitong bukas sa publiko ang nasabing lugar.  May tatlong buwang free training sa sinumang nagnanais na lumahok. Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 200 katao ang nagtapos ng pagsasanay sa Villar SIPAG Farm School kung saan ang senadora ang tumatayong managing director.

Isa sa pangunahing tapagsalita si Sen. Villar sa ginanap na 25th Asian Seed Congress sa bansa sa Mariotte Hotel nitong Nobyembre 12-16, kung saan aabot sa 49 bansa ang dumalo.

Ito ang ikatlong pagpupulong ng Asian Seed Congress na ginanap sa bansa simula noong 1998 at 2007.

“I have been very concerned about ensuring seed quality. We need to reduce farmers’ production cost, which can only be possible if we learn how to use quality seeds,” pahayag ni Villar sa Asian Seed Congress.

Si Villar din ang may akda ng Senate Bill No. 322 (which seek to establish a continuing national program for hybrid and other quality seed production).

“On top of our common concern on seed quality, East-West is also concerned about smallholder farmers. It is also my legislative priority to break down the barriers that prevent them from being more competitive and profitable. Base on studies, those barriers are lack of access to cheap credit as well as lack of mechanization, technical expertise and knowhow,” pahayag ni Villar kaugnay sa food security ng bansa.

“So, all my programs and legislations have been geared towards addressing those not only for the farmers’ benefit but they truly play a big role in ensuring a food-secure future for all Filipinos. They comprise 85 percent of the entire farm sructure in the world,” dagdag pa niya.

Ang annual Asian Seed Congress ay sinasabing pinakamalawak at pinakamatatag na seed industry event sa buong mundo. May oportunidad ang isang bansa na lumago ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagtatanim.

Ayon naman kay Martin Hinlo, project manager ng East West Seed, ang ­pangunahing layunin ng Asian Seed Congress ay mapanatili ang food security ng isang bansa.

Sinabi naman ng Uni­ted Nations (UN) Foood and Agriculture Organization (FAO) na ang family farmers, hindi ang corporate farms, ang magpapakain sa mga mamamayan sa hinaharap.

Lumolobo na ang po­pulasyon ng buong mundo kaya may matinding pressure para magproduce ng mas maraming pagkain kung saan kinakailangan ng 70 porsiyento pang dagdag para matugunan ang ­pangangailangang pagkain sa may siyam na bil­yong katao sa 2050. MHAR BASCO

Comments are closed.