ASSESSMENT SA EPEKTO NG MAGNITUDE 6.2 EARTHQUAKE TULOY TULOY PA RIN

lindol

TULOY pa rin ang isinasagawang assessment ng mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa epekto at naging pinsala ng magnitude 6.2 earthquake na yumanig kamakalawa ng gabi sa Davao Oriental

Sa ulat ng Philvocs pasado alas-6:00 ng gabi niyanig ng magnitude 6.2 earthquake ang ang bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental.

Natunton ang sentro ng lindol may  88 kilometers southeast ng Governor Generoso may 78 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na Intensities gaya ng Intensity V – Governor Generoso, Davao Oriental; Mati City.

Intensity 4  sa Davao City; General Santos City; Alabel, Glan, Kiamba, at Malungon, Sarangani, intensity 3 – Sta. Cruz, Davao del Sur; Tupi, South Cotabato; Koronadal City; Maitum, Sarangani; intensity I2 saislig City; Kadingilan, Kalilangan, at Kibawe, Bukidnon; Makilala, North Cotabato; Kidapawan City; Tacurong City habang intensity 1 sa   Damulog, Bukidnon; Cagayan de Oro City

Naitala naman ang sumusunod na Instrumental Intensities na intensity 4 sa Alabel at Kiamba, Sarangani; General Santos City; intensity 2 sa Kidapawan City at intensity 1, Cagayan de Oro City; Bislig City

Ayon sa Phivolcs maaring magdulot ng aftershocks ang naturang pagyanig.

Sa inisyal damage assessment naitala ang  pagbagsak ng ilang ba­hagi ng kisame sa kilalang mall sa -GenSan malapit sa acti­vity center bagamat mabilis din naibalik sa a normal ang operasyon ang nabanggit na mall.

Bagaman walang nasaktan sa pangyayari, nagdulot pa rin ng ma­tinding takot sa mga tao ang malakas na pagyanig na resulta ng pagpanic at mabilis na pagtakbo palabas ng mall.

Samantala wala namang iba pang naiulat na may mga buildings, establisimiyento at kalsada sa lungsod na nagkaroon ng bitak.

Sa kabila ng malakas na pagyanig ay may suplay pa rin ng koryente sa buong lungsod.

Samantala, wala namang inilabas na tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa lungsod bunsod ng malakas na pagyanig. VERLIN RUIZ

Comments are closed.