ISANG Australian professor ang naging kontrobersiyal kamakailan lang dahil sa kaniyang anunsiyo na sawa na siyang mabuhay sa edad na 104 at balak nang magpapatay sa mga doktor. “My life has been rather poor for the last year or so. And I’m very happy to end it,” sambit ng scientist. Hindi ito pinayagan ng Australian government at kinailangan niyang humanap ng grupong papanig sa kaniyang plano. Nagbiyahe siya sa Switzerland at doo’y pumanaw last May 10th, Thursday matapos siyang kumain ng fish & chips, kabitan ng suwero na kikitil sa paghinga habang nakikinig sa musikang 9th Symphony ni Beethoven. Tama ba ito o hindi?
ANG BUHAY NI DAVID
Si David Goodall (4 April 1914 – 10 May 2018) ay isang botanist at ecologist. Malaki ang naiambag niya sa siyensiya ng paghahalaman sa Australia. Nagtapos siya ng pag-aaral sa University of London at nag-research tungkol sa kamatis sa Research Station sa Kent East Malling.
Noong 2016, ang Cowan University ay nagdeklara na si David ay “unfit to continue to work from an office on campus.” At that time, he was thought to be the oldest scientist still working in Australia. Ito ay kaniyang dinamdam bagama’t masaya ang kanilang pamilya kung saan mayroon siyang 3 sons, 1 daughter, 10 grandchildren, at 15 great grandchildren.
ANG KAMATAYAN NI DAVID
Si Goodall ay naniniwala sa voluntary euthanasia, dahil miyembro siya ng grupong Exit International for over 20 years. Pinagsisisihan niya ang lubhang pagtanda dahil sa pagbaba ng kaniyang quality of life. He said his lack of mobility, doctor’s restrictions at Australian law prohibiting him from taking his own life ang kaniyang complaints, but he was not ill. Hindi pa malamang niya nakikita kung gaano kahirap ang buhay ng ilang matatanda rito sa atin pero pilit lumalaban sa buhay kahit walang makain.
Heto pa – sinagot ng grupong Exit Int’l ang pamasahe niyang A$20,000 para makapunta sa Switzerland kung saan legal ang assisted suicide. He ended his life with a self-administered lethal injection of Nembutal. David has no belief in the afterlife. Tsk…tsk… sa ganoong halaga, malamang ang mga pulubi rito ay nagpapiyesta na, may kasama pang banda.
Tayo man ay mababaw, anuman ang sitwasyon, pinahahalagahan natin ang buhay.
ANG BATAS SA PINAS
Ayon sa pumayapang doktor na si Dr. Tranquilino Elicaño Jr., “May panukalang batas ukol sa mercy killing o ang tinatawag na Euthanasia Bill pero nalalambungan pa rin ito ng ulap dahil sa maraming isyu – emotional, legal at pangrelihiyong usapin.”
Ang euthanasia ay ang pamamaraan ng pagkitil sa isang taong may malubhang karamdaman na hindi na maaari pang gumaling o ‘yung mga tinatawag na “gulay” na.
Isasagawa lamang ang euthanasia kapag ang taong may mabigat na sakit ay hiniling sa doktor, ganoon din sa kanyang mga kamag-anak, na kitilin na ang kanyang buhay.
Isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng euthanasia ay ang pag-aalis sa support o ang pag-aalis ng medical treatment. Hahayaan ang pasyente na mamatay naturally at ito ay legal sa batas. Mahirap ang isyung ito kaya naman dapat magkaroon ng ugnayan ang Philippine Medical Association, Department of Health at Department of Justice, kasama ang mga mambabatas para ma-dissect at maplantsa ang isyu sa euthanasia.
MGA GRUPONG KONTRA EUTHANASIA
- British Medical Association
- Christian Medical Fellowship
- Family First New Zealand
- International Association for Hospice & Palliative Care
- Patients’ Rights Action Fund
- Royal College of Physicians
- The Russian Orthodox Church Canons
- The United States Conference of Catholic Bishops
- Voice for Life
- The World Medical Association
MGA GRUPONG PRO-EUTHANASIA
Canada, Belgium, the Netherlands, Luxembourg, Colombia, and Switzerland allow with physician-assisted suicide (PAS) or doctors to physically assist in the death of patients. In the United States, seven states allow medical aid in dying. Pain is mostly not reported as the primary motivation.
The 3 most frequently reasons to take advantage of the Death With Dignity Act in 2015 were: decreasing ability to enjoy life (96.2%), loss of autonomy (92.4%), and loss of dignity (78.4%). Suportado ito ng grupong Compassion and Choices, Death with Dignity National Center, (both from USA), Dignitas (Switzerland), Dignity in Dying (UK), Exit (Scotland), Exit International, Final Exit Network, World Federation of Right to Die Societies.
ANG HIPPOCRATIC OATH
Ipinapaalala natin na ang physician-assisted suicide (PAS) is contrary to the Hippocratic Oath of 400 BCE, which is the oath historically taken by physicians.
It states, “I will give no deadly medicine to anyone if asked, nor suggest any such counsel.” It prohibits physician-assisted suicide because it is fundamentally incompatible with the physician’s role as healer and because it would be difficult or impossible to control, and would pose serious risk to society.
The Declaration of Geneva is a revision of the Hippocratic Oath, drafted in 1948 by the World Medical Association in response to forced euthanasia, eugenics and other medical crimes.
It contains, “I will maintain the utmost respect for human life.” The International Code of Medical Ethics, revised in 2006, includes, “A physician shall always bear in mind the obligation to respect human life” in the section Duties of physicians to patients.
*Quotes
“Ye have heard that it was said by them of old time, Thou shalt not kill; and whosoever shall kill shall be in danger of the judgment.”
– Matthew 5:21
oOo
Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!
Comments are closed.