DARATING ngayong Marso 4 ang 487,000 doses ng bakuna ng United Kingdom-based AstraZeneca.
“This is to confirm that the initial shipment of AstraZeneca is set to arrive tomorrow,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pinadalang mensahe sa mga reporter.
Ang naturang bakuna ng AstraZeneca na darating sa Villamor Airbase sa Pasay City ay mula sa World Health Organization-COVAX facility.
Inaasahang personal na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher Lawrence “ Bong” Go ang bakuna ng AstraZeneca.
Noong Pebrero 28, dumating na sa bansa ang 600,000 doses ng bakuna na gawa ng China-based drugmaker na Sinovac Biotech at kinabukasan ay sinimulan ang pagbabakuna sa nga healthcare workers sa iba’tibang ospital sa Metro Manila. EVELYN QUIROZ
818032 106837I adore reading through and I believe this website got some genuinely utilitarian stuff on it! . 691704