INIREKOMENDA na ng Food and Drug Administration (FDA) sa Department of Health (DOH) ang pansamantalang pagpapatigil ng pagtuturok ng bakunang AstraZeneca para sa mga indibidwal na may edad na mas mababa sa 60-anyos, bunsod na rin ng mga ulat na may ilang kaso ng nakaranas ng pamumuo ng dugo o blood clots na may mababang platelet sa mga nabakunahan nito.
“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the Astra-Zeneca vaccine. While we have not seen such incidents in the country, the FDA has recommended to temporarily suspend the use of the vaccine for persons below 60 years old as we await results of the review being done by our local experts, as well as the official guidance of the WHO [World Health Organization],” pahayag ni FDA director general Eric Domingo.
“We asked DOH na kung meron pa pong natitirang AstraZeneca vaccines siguro ay ‘wag muna nating gamitin sa mga people below 60 years old until we get clearer evidence and guidance from WHO tsaka sa atin pong mga experts,” aniya pa.
Kinumpirma naman ni Domingo na naubusan na ang bansa ng suplay ng AstraZeneca vaccines, ngunit ang susunod na batch nito ay inaasahang darating sa bansa sa loob ng isang buwan.
“So that will give us time to study the evidence and to see kung magkakaroon po tayo ng panibagong guidance sa paggamit ng AstraZeneca vaccine,” aniya pa.
Tiniyak naman ng DOH at FDA sa publiko na masusing pinag-aaralan na ng mga eksperto ang mga impiormasyon kaugnay sa mga pangyayaring ito upang makagawa ng nararapat na rekomendasyon sa paggamit ng nasabing bakuna.
Sa kasalukuyan, hindi pa nakatatanggap ng anumang ulat hinggil sa side effects ng nasabing bakuna ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC).
Gayundin, siniguro ng DOH and FDA na masusing binabantayan ang rollout ng bakuna upang matukoy at agad na aksyunan ang anumang posibleng masamang epekto o adverse effects nito.
Paglilinaw naman ni Domingo, ang naturang suspensiyon sa pagbibigay ng AstraZeneca ay hindi nangangahulugan na hindi ligtas o hindi mabisa ang naturang bakuna.
“I want to emphasize that this temporary suspension DOES NOT MEAN that the vaccine is unsafe or ineffective—it just means that we are taking precautionary measures to ensure the safety of every Filipino. We continue to underscore that the benefits of vaccination continue to outweigh the risks and we urge everyone to get vaccinated when it’s their turn,” dagdag pa niya. ANA ROSARIO HERNANDEZ
42001 436719Outstanding editorial! Would like took pleasure the certain following. Im hoping to learn to read a good deal more of you. Theres no doubt that you possess tremendous awareness and even imagination. I happen to be extremely highly fascinated using this critical details. 91665