ASTRAZENECA ITUTUROK SA SENIOR NA HEALTH WORKERS

INAPROBAHAN na ng Department of Health ang paggamit ng AstraZeneca vaccine na gawa ng United Kingdom para sa mga healthcare workers na pawang mga senior citizens.

Inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pag- aproba ng DOH ay base na rin sa rekomendasyon ng Interim National Immunization Technical Advisory Group for COVID-19 Vaccines.

“The only difference is that, AstraZeneca can be given to senior medical frontliners. But still the same rollout,” sabi ni Roque.

Noong sinimulan ang vaccination program ng pamahalaan Marso 1 gamit ang Sinovac vaccine ng China, ang mga health worker na may edad 60 anyos pataas ay pinayuhan na huwag magpabakuna ng Sinovac dahil sa mababang efficacy ng bakuna.

Base sa iNITAG Resolution No. 5, nakasaad dito na “ consistent with indications in the emergency use authority and in light of the arrival of the AstraZeneca vaccines, Sinovac are not recommended to be administered to healthcare workers aged 60 years old and above.”

Sinabi rin sa narurang resolusyon na ang AstraZenica ay inisyal na bibigyang alokasyon ang lahat ng healthcare workers sa lahat ng Level 3 hospitals kabilang ang mga COVID referral hospitals sa buong bansa gayundin ang mga senior citizen healthcare workers sa iba pang mga ospital.

Ang ikalawang dose ng mga nabigyan ng AstraZenica vaccine ay ituturok sa mga nabakunahan mula apat hanggang 12 linggo makaraan ang unang dose nito.

“Co-administration of different vaccine brands to the same vaccine recipient shall not be allowed as only one vaccine type for both doses shall be administered per vaccine recipient,” sabi pa sa resolusyon ng iNITAG. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.