ASUNTO KAY NICKO FALCIS IBINASURA

NICKO FALCIS

IBINASURA ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong qualified theft na isinampa ni TV-movie actress Kris Aquino laban sa kanyang dating kasosyo sa negosyo na si Nicko Falcis.

Sa resolusyon ni Makati City Prosecutor’s Office Senior Deputy City Prosecutor Emmanuel Medina, ang pagbabasura ng kaso na inihain ni Aquino kay Falcis ay dahil sa kakulangan ng ‘probable cause.’

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso ni Aquino makaraang gamitin ni Falcis ang credit card na ipinagkatiwala umano ng Kris Cojuangco Aquino Productions (KCAP) at namili ng personal na gamit na nagkakahalaga ng P1.27 milyon.

Sa masusing pagsusuri sa kaso, ipinunto ni Medina sa kanyang inilabas na resolusyon na ang KCAP card na ginamit ni Falcis ay nakapangalan sa kanya at bilang cardholder ay may karapatan siyang gamitin ito.

“He can use the card for his purchases subject to the terms and conditions of the bank to which it is connected. In addition, no proof was presented that he used the card with intent to gain or intent to defraud. Accordingly, he is, at most, only liable to pay his credit card bill that has become due,” ani Medina.

Ayon naman sa abogado ni Falcis na si Atty. Regi Ponferrada, inosente sa kaso ang isinampa sa kanyang kliyente dahil wala naman itong ninakaw at ginawa na laban sa batas.

Napag-alaman din kay Ponferrada na hindi lamang sa Makati nagsampa ng kaparehong kaso ang aktres laban kay Falcis kundi sa anim pang lungsod sa Metro Manila. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.