INATASAN ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) Executive Committee na ganap na paghandaan ang napipintong krisis sa pagkain na nakaaapekto na sa ibang bansa.
“We are already in a disadvantageous position in terms of food supply.
Dapat talagang bigyang pansin kung ano ang magagawa natin,” sabi ni Pangulong Marcos, na siya ring Agriculture Secretary, sa unang Executive Committee Meeting ng DA sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Inutusan niya ang mga opisyal ng DA na asikasuhin ang mga alalahanin sa suplay ng pagkain sa pamamagitan ng pagtaas ng lokal na produksyon, partikular na ng bigas, mais, hayop, at manok.
“Kailangan nating pag-isipang mabuti ang tungkol sa pagtiyak na ang mga tao ay may sapat na pagkain, iyon ang numero uno, sa presyo na kanilang kayang bayaran.
Kasi again, it’s useless to have food if they cannot afford it anyway,” the President stressed on the importance not only of food availability and accessibility, but also of food affordability.EVELYN GARCIA