(Atas ni Sec. Angara:) PUNAN ANG MGA BAKANTENG POSISYON SA DEPED

INATASAN ni Education Secretary Sonny Angara  ang mga tanggapan na punan ang lahat ng bakanteng posisyon sa DepEd upang matiyak ang epektibo at mahusay na paghahatid ng mga serbisyo sa edukasyon sa lahat ng antas ng pamamahala.

Sa DepEd Memorandum No. 42, s.  2024, inaatasan ang Dep-Ed Bureau at mga Service Director sa Central Office, Regional Directors (RDs), at Schools Division Superintendents (SDSs) na gawin ang lahat ng hakbang para mapabilis ang pagkuha at pagpuno sa lahat ng bakanteng posisyon na awtorisado ng DepEd, kabilang ang mga bagong likhang posisyon, pagtuturo at mga posisyon sa non teaching personnel para sa Fiscal Year (FY) 2024.

Batay sa Department of Budget and Ma­nagement-Government Manpower Information System (DBM-GMIS) noong Mayo 2024, ang DepEd ay mayroong 46,703 (4.53%) na bakanteng posisyon mula sa 1,030,897 kabuuang awtorisadong posisyon, na maaaring maiugnay sa ilang kadahilanan batay sa mga nakalap na ulat.

Ang mga natukoy na natitirang bakanteng posisyon ay nagdudulot ng hamon sa operasyon ng mga opisina at sa absorptive capacity ng DepEd.

Dagdag pa, inaatasan ng DepEd ang lahat ng field offices na magsagawa ng catch-up plan, na maaaring i-download sa pamamagitan ng link: bit.ly/UnfilledCatchUpPlan.  Ang kumpletong catch-up plan ay dapat isumite sa Bureau of Human Resource and Organizational Deve­lopment-Personnel Division (BHROD-PD) sa pamamagitan ng link: bit.ly/HiringCatchUpPlan sa o bago ang Agos­to 9, 2024.

Higit pa rito, inaa­tasan ang lahat ng tanggapan ng DepEd na i-update sa oras ang Personal Services Itemization at Schedule of Personnel at ang database ng DBM-GMIS.Ang  iba pang mga tool sa pagsubaybay, tulad ng Program Management Information System, Quick Count para sa FY 2024 na mga item, at ang Deployment Monitoring Tool for school-based non-instructional items na dapat ding i-update.

Elma Morales