ATE GUY HACIENDERA SA BICOL

faceup

MAY bagong upload si Nora Aunor sa kanyang YouTube channel na, “Ang Lupain ni Nora sa Bicol.” Nag-iisa na lang sa buhay ang superstar dahil may pamilya na ang kanyang mga anak. Ta­nging malalapit na kaibigan na lamang ang lagi niyang kasama. Marami ang nag-aalala sa kanya. Wala raw ka­sing pinatungahan ang kasikatan niya. Pero labis ang pasasalamat ni Ate Guy dahil naging masinop ang kanyang mga magulang, kaya ekta-ektaryang lupain sa Bicol ang naipundar nila.

Isiniwalat ng superstar ang kanyang lupain sa Bicol para maibsan ang pag-aalala ng kanyang mga fans na baka naghihirap na siya. Gusto lang niyang ipalam na walang katotohanan na siya ay naghihirap na. Mapagbigay at matulungin ni Ate Guy sa lahat ng kasama niya sa set. Laging masaya dahil nagpapalaro siya na ang premyo ay cash money. Ayaw lang niyang ipagyabang ang mga natutulungan niya.

Sabi ni Ate Guy, “pagdating sa pera ay aminado naman po ako na walang akong milyun-milyong hawak ngunit masaya ako dahil marami po akong natutulungan.”

Kapag may outreach program ang mga Noranians, namimigay siya ng bigas galing sa 54 hectares na palayan niya sa Bicol. May 22.6 hectares din siyang niyugan at 10 hectares na untitled na lupain. Naipagawa ng kanyang ama ang daan sa kanilang lugar, at may irriga­tion system din.

“Huwag po sana nin­yong iisiping ipinagyayabang ko po ito,” ani Ate Guy. “Huwag po kayong mag-alala sa akin. Okay po ako. Ito po ang isa sa dahilan kung bakit madalas akong umuwi ko sa Bicol. Mga magulang ko po ang nagpundar niyan para sa akin. Natutuwa po ako dahil maraming natutulungang magsasaka ang palayang ito. Ang naging kasalanan ko lamang po ay ang sobrang pagtitiwala ko sa aking mga staff noon, mga fans ko at mga taong nag-forge ng aking pirma. Nakapag-encash sila ng tseke hindi ko alam. Pero alam ko pong lahat ‘yon ay pag-subok lamang ng Diyos. Tatlo lamang po ang gusto kong hilingin sa inyo. Umunawa, magpatawad at magmahal. Mahal na mahal ko po kayo. Basta wala pong iwanan.”

***

SITCOM NI JOHN ESTRADA KONTROBERSIYAL

ILANG araw nang pinag-usapan ang pagwo-walk-out ni Ellen Adarna sa teyping ng “John and Ellen.” Nag-walkout daw kasi si Ellen Adarna sa taping.

Napikon daw kasi ang syota ni Derek Ramsay sa pagiging unprofessional ni John Estrada. May cut-off kasi ang aktres ng alas dose ng tanghali. Kaso, nag-lunch pa si John bago ituloy ang shooting. Sinundo na ni Derek si Ellen at umalis na sila.

Ang daming nakisawsaw sa isyu, Si John ay leading man ni Ellen sa nasabing sitcom, at alam ng lahat na hanggang second season lang si Ellen. Nahihiya rin naman si John sa nangyari dahil kaibigan niya si Derek. Ang gusto ng iba, palakihin pa ang issue, siguro, para pag-usapan ang “Ellen and John,” at para abangan ng mara­ming viewers. Say tuloy ng isang netizen, “ang mahalaga nalamang walang kasalanan si Ellen.”

Kung hindi na babalik si Ellen, sino ang papalit sa kanya? At paano tatakbo ang istorya, e title role nga siya? Yan ang poproblemahin ngayon ng production staff ng TV5 at ni John mismo. Si Ellen naman, kahit hindi mag-artista, mapera s’ya. Susme, libangan lang niya ang pag-aartista. At huwag isnabin si Derek, ha! Mayaman din yan. Kaya nga nag-mamada­ling matapos sa kanyang mga commitment ni Ellen dahil tutukan niya at ni Derek ang preparasyon sa kanilang kasal.

4 thoughts on “ATE GUY HACIENDERA SA BICOL”

  1. 281986 90115Excellently written article, doubts all bloggers offered the identical content since you, the internet has to be far greater place. Please stay the top! 495359

  2. 992311 132470Good day. Extremely cool blog!! Man .. Exceptional .. Remarkable .. Ill bookmark your site and take the feeds additionallyI am glad to locate numerous helpful info proper here within the post. Thank you for sharing.. 455802

Leave a Reply

Your email address will not be published.