Masayang inaasikaso ni Sarah Discaya ang pagiging “ina at ate” ng mga Pasigueño sa pamamagitan ng dibdibang pagsulong ng kanyang medical mission, lalo na sa matatanda. Sa mga batang Pasig naman ay umarangkada na ang “Youth Forum” ni Ate Sarah upang ipanday ang kabataan na maging responsableng henerasyon na may magandang ambag sa lipunan.
PINATUNAYAN ni Pasig City mayoralty aspirant Sarah Discaya ang pagiging tunay na ina sa mga Pasigueño sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paghahandog niya ng medical mission para sa matatanda’t lokal ng Pasig at youth forum naman para sa mga kabataan ng lungsod.
Ang medical mission na pinangunahan ng St. Gerrard Charity Foundation at ng “Team Kaya This” ni Ate Sarah ay dinumog ng mga lokal ng Pasig upang makakuha ng libreng gamot at ng iba pang serbisyong medikal nitong Sabado, Nobyembre 23, sa Karangalan Covered Court, Barangay Dela Paz, Pasig City.
Sa loob ng isang araw ay nakapaghandog ng libreng gamot, medical check-up, dental services, eye check-up and glasses, medical lab services, X-ray, at ECG ang grupo.
Namigay rin si Discaya ng libreng wheelchairs, walking canes o tungkod, at mga saklay.
Bukod pa rito, mayroon ding iba pang lifestyle services na makikita sa medical mission tulad ng massage, haircut, manicure, at pedicure.
Ang mga serbisyong ito ay sinabayan pa ng pet vaccination habang namimigay ng mainit na pagkain ang mobile kitchen ni Discaya na mas kilala bilang “Kusina ni Ate Sarah” sa mga Pasigueño na dumalo para sa kanilang medikal na mga pangangailangan.
“Alam ko na kailangan ng mga Pasigueño na magkaroon ng free medical. Kaya talagang pinopokusan namin ang hospital packs, free medical check-ups, at libreng gamot,” sabi niya.
Ayon pa sa kanya, isa sa kanilang pangarap ay maibigay at maipaabot ang mga handog nilang libreng gamot sa mga senior citizen upang hindi na pumunta ang mga ito sa mga health center.
Bukod sa mga libreng gamot at medical check-ups ay naghatid din ng libreng kaalaman ang grupo nina Ate Sarah para sa mga kabataan sa isang youth forum na ginanap noong araw na iyon sa MMI Building, Dr. Sixto Antonio Avenue, Pasig City.
Samantala, isang konsultahang kabataan naman ng mga batang Pasig ang nagbigay ng kaalaman ukol sa tamang pagboto, paghalal ng mga tamang lider, at iba pang kaalaman tungkol sa voters education bilang paghahanda sa nalalapit na midterm elections.
Naging posible ang naturang forum sa pagtutulungan ng Pasig Smart Youth Movement at education team ng St. Gerrard Charity Foundation na si Discaya ang siyang convenor at benefactor.
Kamakailan lamang ay kinilala bilang Outstanding Non-Government Organization of the Philippines ang St. Gerrard Charity Foundation sa Gawad Pilipino Lingkod Bayan Awards 2024 bunsod ng katapatan nitong pagtulong sa mga nangangailangan, lalo na doon sa mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan.