Aminado si Luis Manzano na noong bata pa siya at nag-aaral, kunsintidora raw ang kanyang inang si Star for All Seasons na si Vilma Santos sa kanya, tuwing siya ay mapapaaway.
Una umanong itinatanong sa kanya ay kung nasaktan ba siya, at sakaling nasaktan nga, kung nakabawi ba siya sa nakaaway.
Alam daw kasi ng Mommy niyang kahit kailan ay hindi siya pinagsisimulan ng away, kaya forever kakampi ni Luis si Ate Vi.
Sabi pa umano nito sa kanya, huwag siyang magsisimula ng gulo, pero kapag siya ang inaaway, huwag na huwag din siyang uurong.
Ikinuwento pa umano ni Ate Vi sa kanya na noong Grade 2 siya ay nakipagsaksakan pa siya ng lapis sa isang kaklaseng bully na Restituto ang pangalan.
Pero iba raw ang paraan nila ng pagpapalaki sa anak nila ni Jessy Mendiola na si Peanut. Sweet and gentle umano ito, pero kayang ipaglaban ang pinaniniwalaan.