ATE VI NANAWAGAN SA MGA FANS NA MAGPABAKUNA

showbiztuhan

NAPANOOD namin si Luis Manzano kasama ang asawa niyang si Jessie Mendiola at ang kanyang butihin inang si Vilma Santos.

Inamin ni Luis na maraming kumukumbinsi sa kanyang tumakbo sa pulitika, pero hindi pa raw siya handang pasu­kin ito. Si Ate Vi naman, malakas ang ugong na sasabak ang Star For All Season sa pagka-senador. Però mismong si Ate Vi ang nagsabing may posiblidad pa nga raw na mag stop na siya sa pulitika at magpahinga na para mas may time na daw siya sa kanyang pamilya. Però hindi pa final ang desis­yon ni Ate VI. Sa ngayon, mas tinututukan daw niya ang pananawagan sa lahat na magpabakuna para matigil na ang pagkalat ng COVID-19

***

JULIA BARRETO, GERALD ANDERSON HIWALAY NA?

Hiwalay na raw ang magkasintahang sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng umano’y hiwalayan ng dalawa, kaya maraming tagasuporta ng dalawa ang umalma sa news na Yun. “Hindi totoo ‘yan, Okey pa sila at maayos sila” pagtatanggol ng isang fan ng dalawa.

Sa ibang umpukan, naririnig din namin ang kwentong Julia at Gerald. Nagkakalabuan daw ang dalawa. May nakapansin kasi sa post nila sa kanilang mga IG account na di na sila sweet na tulad ng dati   Madalang na raw mag-post si Julia, pero dati ay araw araw, kasama si boyfriend.

Lately marami ang nagtatanong bakit madalang na ang post. Bakit di na sila close at sweet sa isa’t isa?

Malamang Kaya hindi sila ngayon madalas magkasama dahil sa sitwasyon natin na lockdown. Mahirap mag byahe dahil sa dami ng check point ang dadaanan nila bago sila magkita. Seriously, bakit nga ba madalang na at may mga tsika na hiwalay na ang dalawa kung hindi naman talaga totoo. Hindi kaya hiwalay na nga ang dalawa or may pinagda-daanan ang kanilang relasyon sa ngayon? Abangan na Lang Natin Kung ano pa ang tsismis ang maririnig natin sa susunod .

11 thoughts on “ATE VI NANAWAGAN SA MGA FANS NA MAGPABAKUNA”

  1. 460397 953507This put up is totaly unrelated to what I used to be looking google for, even so it was indexed on the very first page. I guess your performing something appropriate if Google likes you adequate to place you at the initial page of a non related search. 112867

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *