NAGBUHOS si Angelo Kouame ng 18 points at 11 rebounds, at naging sandigan ng Ateneo ang kanilang depensa upang durugin ang La Salle, 71-55, sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nadagit ng Blue Eagles ang ika-5 sunod na panalo sa anim na laro.
Bumagsak ang La Salle sa 3-3.
Nalimitahan ng Ateneo ang La Salle sa tatlong field goals sa second quarter upang kunin ang 28-21 kalamangan sa half, pagkatapos ay inulit ito sa third upang umangat sa 50-33 para sa pinakamalaking bentahe ng Blue Eagles.
Napuwersa ni coach Tab Baldwin at ng kanyang tropa ang La Salle na gumawa ng 26 turnovers, doble ng naitala ng Blue Eagles.
Bumuslo ang Green Archers ng 3 of 21 (14%) lamang mula sa 3-point distance, kumpara sa 10 of 25 (40%) ng Blue Eagles.