Laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
6 p.m. – Ateneo vs UP
HINDI pa tapos ang laban para sa Ateneo de Manila University.
Nalusutan ng Blue Eagles ang University of the Philippines Fighting Maroons, 69-66, sa Game 2 upang maitabla ang kanilang best-of-three finals series sa 1-1 sa UAAP men’s basketball tournament kagabi sa Mall of Asia Arena.
Sa panalo ay nagkaroon ng pagkakataon ang Eagles na mahila ang kanilang title streak sa four-peat sa do-or-die Game 3 sa Biyernes, alas-6 ng gabi sa parehong Pasay venue.
Nagbuhos si MVP Ange Kouame ng 14 points, 14 rebounds, at 8 blocks, habang umiskor din si graduating guard Tyler Tio ng 14-point sa 19 minutong paglalaro.
Bumawi si Dave Ildefonso mula sa 6-point, 6-turnover Game 1 outing na may10 points, 8 boards, 4 assists, at 2 steals.
“This series feels like La Salle series. It doesn’t feel like college basketball. It feels like there’s something else at stake,” wika ni Ateneo head coach Tab Baldwin.
“Tonight, we responded and we did the job in key statistical categories. Everything else in stat sheets looks good for us.”
Nanguna si Mythical Five member at Rookie of the Year Carl Tamayo para sa UP na may18 points, 12 rebounds, 2 steals, at 1 block habang nagdagdag si graduating star Ricci Rivero ng 16 points sa 7-of-19 shooting, 4 boards, 4 steals, at 1 block.