ATENEO UNIVERSITY, UNIVERSITY OF SAN CARLOS, NANGUNA SA BAR EXAMS

SUPREME-COURT-3

INILABAS na kahapon ng Korte Suprema ang resulta ng Bar Exams 2018 ng Korte Suprema.

Ayon sa Supreme Court 22.07 % lamang mula sa 8,155 na kumuha ng exam ang pumasa na mas mababa sa 25.5% noong nakaraang taon.

Nanguna sa  pagsusulit  si  Sean James Borja, ng Ateneo de Manila University na sinundan  nina Marcley Augustus Natu-el – University of San Carlos; Mark Lawrence Badayos – University of San Carlos; Daniel John Fordan- Ateneo de Manila; Katrina Monica Gaw- Ateneo de Manila; Nadaine Tongco- Univesity of the Philippines;  Patricia Sevilla- University of the Philippines

Kathrine Ting- De La Salle University; Jebb Lynus Cane- University of San Carlos; Alen Joel Pita- University of San Carlos.

Nasa 75 percent ang passing grade ngayong taon.

Ito ang taon kung saan nailista ang pinakamaraming bilang ng kumuha ng Bar exams na isinagawa noong Nobyembre ng nakraaang taon sa  apat na Linggo sa University of Santo Tomas.

Saklaw ng Bar exams ang ilang subject tulad ng Political Law, Civil Law, Labor Law, Taxation, Mercantile Law, Criminal Law, Remedial Law at Legal Judicial Ethics.

Comments are closed.