ATENEO-UP TITULAR SHOWDOWN SIMULA NA

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4 p.m. – Ateneo vs UP

SA KANYANG ikatlong season sa Ateneo ay hangad ni naturalized center at leading MVP contender Ange Kouame ang mas malaking karangalan.

“To be honest with you, I’d rather be a champion than to be MVP,” pahayag ni 24-year-old Koaume.

Target ang four-peat, determinado ang Blue Eagles na maiganti ang nag-iisa nilang talo sa season na tumapos sa kanilang 39-game winning streak na nagsimula noong October 2018.

Haharapin ng Ateneo ang University of the Philippines sa ikalawang all-Katipunan championship series sa huling tatlong seasons ngayong alas-4 ng hapon sa harap ng inaasahang malaking crowd sa  Mall of Asia Arena.

Nanalo ang Eagles sa kanilang unang paghaharap,  90-81, noong nakaraang March 26 bago gumanti ang Fighting Maroons sa 84-83 victory noong Labor Day.

Habang magaan na dinispatsa ng Ateneo ang Far Eastern University sa Final Four, 85-72, para sa ika-5 sunod na title round appearance, nalusutan ng UP ang matikas na pakikihamok ng La Salle para kunin ang kanilang ikalawang Finals appearance sa huling tatlong seasons.