Standings W L
DLSU 9 1
UP 7 1
UE 5 3
UST 4 6
Ateneo 3 6
AdU 3 6
FEU 3 6
NU 2 7
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – FEU-D vs Ateneo (JHS)
12 noon – DLSZ vs AdU (JHS)
3:30 p.m. – AdU vs Ateneo (Men)
6:30 p.m. – UP vs UE (Men)
MAGSASALPUKAN ang Ateneo at Adamson sa krusyal na laro na may malaking implikasyon sa huling Final Four berth sa UAAP men’s basketball tournament ngayong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.
Ang mananalo sa 3:30 p.m. contest ay makakatabla ng University of Santo Tomas sa fourth spot. Ang Growling Tigers ay may 4-6 kartada ngunit natalo sa kanilang huling tatlong laro.
Sisikapin ng University of the Philippines na makasiguro ng playoff para sa isang Final Four slot sa pagharap sa University of the East sa alas-6:30 ng gabi.
Makaraan ang 1-6 record sa first round, magkasunod na tinalo ng Ateneo ang National University at UST upang mapanatiling buhay ang kanilang Final Four streak. Ang Blue Eagles ay nakalagpas sa eliminations sa huling siyam na seasons makaraang mabigo noong 2013.
Ang Falcons, mayroon ding 3-6 record, ay natalo ng apat na sunod. Galing ang Adamson sa 45-70 pagkatalo sa defending champion La Salle noong nakaraang Sabado.
Pinataob ng Ateneo ang Falcons, 60-51, noong nakaraang Sept. 21 na tumapos sa three-game losing skid ng Blue Eagles, ang pinakamasamang simula ng koponan sa loob ng 11 taon.
May league-best 9-1 record, ang Green Archers ay pasok na sa Final Four at tatlong laro ang angat sa Red Warriors (5-3) para sa twice-to-beat incentive.
“Winning does take some pressure off, it does relieve things a bit. But we’re really trying to mature a lot of younger players, a lot of players that lack significant experience. These guys deserve to enjoy them because in the next practice, the focus is going to be on maturation and evolution and development with a view to winning more games,” wika ni Ateneo coach Tab Baldwin.