ATHLETES-FRONTLINERS BIBIGYANG-PUGAY NG PSA

PSA Forum

KIKILALANIN ang mga atleta na nagsilbing frontliners sa panahon ng pandemya sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night na gaganapin sa Sabado sa TV5 Media Center.

Bilang pagpapahalaga sa kanilang matinding sakripisyo ay pagkakalooban sila ng special citation na bahagi ng 2020 honor roll na bibigyang-pugay ng pinakamatandang media organization sa bansa na pinamumunuan ni President Tito S. Talao, sports editor ng Manila Bulletin, sa event na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC) at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV.

Ang virtual Awards Night ay mapapanood sa March 28 sa OneSports+ simula alas-7 hanggang alas-8:30 ng gabi.

Sina SEA Games gold medal winners Nikko Huelgas at Claire Adorna ng triathlon, Philippine men’s volleyball coach Dante Alinsunurin at players Jessie Lopez at Ranran Abadilla, UST Tigresses mentor Kung Fu Reyes, at Philippine women’s national team member Jovelyn Gonzaga ay ilan sa athletes-frontliners na nagsilbi sa bansa sa panahon ng krisis.

Si Huelgas, 29, ay binigyan ng military merit medal ng Philippine Air Force dahil sa kanyang kagyat na pag-tulong sa mga Filipino sa kaagahan ng pandemya.

Sasamahan ni pro golfer Yuka Saso sina Huelgas and Co. sa awards rite bilang top recipient ng prestihiyosong Athlete of the Year award na ipinagkakaloob ng sportswriting fraternity ng bansa.

Samantala, si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang tatanggap ng President’s Award, habang si PBA Commissioner Willie Marcial  ang gagawaran ng Exe­cutive of the Year honor.

Ipagkakaloob naman kina sports  pillars at dating Gintong Alay Porject Director Jose A. Romasanta, ex-PBA Commissioner Renauld ‘Sonny’ Barrios, at late Ambassador at basketball godfather Eduardo ‘Danding’ Cojuangco ang lifetime Achievement Award, samantalang major awardees sina 2020 world boxing champions Johnriel Casimero at Pedro Taduran, kasama si young, world-ranked netter Alex Eala.

Magbibigay rin ng citations sa 20 personalities at entities, gayundin ang  ‘Manok ng Bayan’ award kay boxing legend Manny ­Pacquiao.

3 thoughts on “ATHLETES-FRONTLINERS BIBIGYANG-PUGAY NG PSA”

  1. 802766 146129for yet another excellent informative post, Im a loyal reader to this blog and I cant stress enough how a lot valuable details Ive learned from reading your content material. I actually appreciate all the hard work you put into this excellent blog. 4018

  2. 284633 652745I was suggested this web site by my cousin. Im not confident whether this post is written by him as nobody else know such detailed about my problem. Youre incredible! Thanks! 740844

Comments are closed.