NAGPANUKALA si Sen. Risa Hontiveros na ideklara ang July 12 na National West Philippine Sea Victory Day, landmark 2016 ruling na bagpapawalang bisa sa pag-angkin ng China sa buong South China Sea.
Inangkin ng Pilipinas ang northeastern section ng Spratly Islands at tinawag nga natin itong Kalayaan Island Group, dagdag pa sa Scarborough Shoal, na tinatawag fin nating Bajo de Masinloc.
Inangkin din ng Malaysia ang ilang bahagi ng Kalayaan Island, habang inangkin naman ng China at Taiwan ang buong island group.
May mahigit 100 maliliit na isla o reefs sa Spratly Islands na napapalibutan ng tubig na mayaman sa isda — at potensyal na gas and oil deposits. Inangkin ito ng buong buo ng China, Taiwan, at Vietnam, habang ilang bahagi lamang ang inangkin ng Malaysia at ng Pilipinas.
Kaya naman nagkaroon ng signing of the Treaty of Washington (1900), kung saan dinisisyunang ang Scarborough Shoal, Spratly Islands, at iba pang bahagi ng Tawi-tawi ay pag-aari o teritoryo ng Pilipinas.
Dahil sa sobrang pambu-bully ng China, kung saan sinasabi nilang lahat ng nasasakop ng China Sea ay pag-aari ng China, idineklara ng Pilipinas na ang dating South China Sea ay West Philippine Sea na ngayon dahil sa territorial sovereignty, sa pag-asang mababawasan ang assertiveness ng China sa South China Sea, dahilan upang magkaroon ng hidwaann na sanhi rin upang magkaroon tayo ng military cooperation sa US.
Malinaw na teritoryo ng Pilipinas ang Spratly Islands. Going back, natuklasan ito ni 19th-century whaling captain Richard Spratly noong 1843. Ang nasabing mga isla ay humigit-kumulang lamang sa 2 km2 (490 acres) sa land area, na nakalatag sa mahigit 425,000 km2 (164,000 sq mi).
Inangkin ng Pilipinas ang Spratlys noong 1971 sa pamumuno ni President Ferdinand Marcos Jr., matapos atakihin ng mga Taiwanese ang isang bangkang pangisda na pag-aari ng mga Pinoy sa Itu Aba. Mula noon ay pinanindigan na ng Pilipinas na teritoryo nating ang Spratly.
West Philippine Sea (Karagatang Kanlurang Pilipinas) o WPS ang official designation ng gobyerno ng Pilipinas sa mga bahagi ng South China Sea na kasama sa exclusive economic zone ng bansa.
Hindi inangkin ng Pilipinas ang kabuuan ng isla — hindi tayo ganoon kaganid. Bawat bansang malapit sa dagat ay entitled sa 12 nautical mile territorial waters at a 200 nautical mile Exclusive Economic Zone, ayon sa UNCLOS. Ang hinihingi lamang ng Pilipinas sa ibang bansa ay respetuhin ang ating EEZ.
Kung tutuusin, ang titulo ng Scarborough Shoal ay ipinasa na ng España sa United States noon pang 1898 Kasama ng iba pang Spanish maritime features na nakaialigid sa Philippines archipelago. Nang igawad ng United States sa Pilipinas ang kalayaan o independensya, minana ng bansa Philippines ang title torenz ng Scarborough Shoal. Hindi pa ba malinaw na may karapatan talaga tayo sa nasabing mga isla?
JAYZL VILLAFANIA NEBRE