IBINASURA ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang panukalang i-regulate ang automated teller machines (ATM) fees dahil sa posibleng maging epekto nito sa mga customer.
Sa pagdinig ng House banks and intermediaries committee, nagbabala si BSP Financial Technology Sub-sector Managing Director Vicente De Vil-la III na posibleng pasanin ng mga consumer ang halaga ng recuperations kapag nilimitahan ang ATM fees.
“If the amount is capped at a certain level, the cost of recuperation will be passed on through another aspect, and it might be through the consumers as well,” ani De Villa.
Dalawang panukalang batas na naglalayong i-regulate ang ATM fees ang inihain sa Kamara.
Sa ilalim ng House Bill No. 4850 na inakda ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito Castelo, ang lahat ng bangko at financial institu-tions ay dapat magpataw ng standard fee na hindi hihigit sa P10 para sa interbank transactions habang ang intrabank transactions ay mananatiling walang bayad.
Sa ilalim naman ng House Bill No. 4019 ng Bayan Muna party-list, ang interbank transactions ay dapat patawan ng fee na hindi hihigit sa P5 habang ang intrabank transactions ay mananatiling libre. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.