NAGHALAL ng bagong directors ang Atok Big-Wedge Co., Inc. (PSE Symbol: AB) sa Annual Stockholders Meeting na isinagawa kahapon sa Alphaland Makati Place, Makati City.
Reelected sina incumbent directors: Roberto V. Ongpin; Eric O. Recto; Walter W. Brown; Mario A. Oreta; Anna Bettina Ongpin; Michael An-gelo Patrick M. Asperin; Dennis O. Valdes; Cliburn Anthony A. Orbe; Peter Chick B. Castelo; Margarito B. Teves; (independent director); at Gregorio Ma. Araneta III (independent director).
Nahalal namang bagong directors para sa kasalukuyang taon sina: Mr. Dennis A. Uy; (independent director); Mr. Lorenzo V. Tan; (independent director); Mr. Paul Francis B. Juat.
Si Mr. Dennis A. Uy ang Chairman at President ng Udenna Corporation; Chief Executive Officer and President ng Phoenix Petroleum Philippines Inc. (PNX) simula 2002, Chelsea Shipping Corporation and Global Synergy Trade and Distribution Corporation. Siya rin ang Chairman ng 2GO Group, Inc. (2GO), Chelsea Logistics Holdings Corp. (CLC), Oilink Mindanao Distribution, Mindanao Media Dynamics, Phoenix Petroleum Hold-ings, Inc., F2 Logistics, at Phoenix Philippines Foundation, Inc. Siya ay Independent Director ng Apex Mining Company, Inc. (APX). Si Mr. Uy ay ang Honorary Consul of Kazakhstan sa Pilipinas simula Nobyembre 2011. Nagtapos ito ng Bachelor of Science Degree in Business Management sa De La Salle University in Manila habang si Mr. Lorenzo Tan ay sikat na banker na nagsilbi bilang President and Chief Executive Officer ng Rizal Commercial Banking Corporation mula 2007 hanggang 2016; President ng Bankers Association of the Philippines mula 2013 hanggang 2016; at Chairman ng Philippine Dealing System Holdings Corp. hanggang Abril 8, 2016. Si Tan ay miyembro ng Board of Directors ng Smart Communica-tions, Inc.; Independent Director ng Philippine Realty and Holdings Corporation (RLT) simula Hulyo 13, 2016; Director ng EEI Corporation (EEI) simula Hunyo 16, 2017. Siya rin ay Certified Public Accountant sa Pennsylvania, USA at Pilipinas.
Si Mr. Paul Francis Juat ay director ng Brownfield Holdings Corporation, North Kitanglad Agricultural Company, Inc., PBJ Corporation, at Pacific Bougainville Holdings Corporation. Nagsisilbi rin itong Assistant to the President ng Apex Mining Co., Inc. Nagtapos ito ng Bachelor’s Degree in Industrial Engineering sa University of the Philippines, Diliman.
Sa organizational meeting ng Board of Directors ng Atok Big-Wedge Co. Inc. na isinagawa matapos ang Annual Stock-holders Meeting, si Mr. Roberto V. Ongpin ay re-elected bilang Chairman and Chief Executive Officer habang si Mr. Dennis A. Uy ay nahalal na Vice-Chairman, at si Mr. Eric O. Recto ay re-elected bilang Presidente ng kompanya.
Comments are closed.