ATOM ARAULLO AYAW KARERIN ANG PAG-AARTISTA

atom araullo

KAHIT nasubukan na niya ang umarte, wala pang konkretong plano si Atom Araullo kung itutuloy niya ito.The point

“I don’t know. I’m just taking it one step at a time,” pakli niya.

Ayaw din daw niyang karerin ito dahil mas focus siya sa kanyang trabaho bilang journalist.

“I have my own work. I have other projects that I’m doing. I’m working. I don’t want to distract from what I feel is my main line of work and  that is, being a journalist,” paliwanag niya.

Ayaw din daw niyang karerin ang pagiging scriptwriter sa pelikula, dahil nagagamit naman niya ang talentong ito sa ibang medium. Siya kasi ang isa sa mga sumulat ng kontrobersiyal na pelikulang “Citizen Jake” kung saan nagkaroon sila ng word war ng beteranong director na si Mike de Leon.

It’s hard to say. Pero iyong ma­ging bahagi ka ng pelikula at mabigyan ng pagkakataong sumulat ng istorya, napakalaking bagay na niya,” esplika niya. “I do write for a living. I do text stories for TV. Sa mga documentaries, TV reports, it’s also writing. Writing for film is different. I’m obviously not an expert. I enjoy the process but if  ever I do more projects, I  have to learn so much more,” deklara niya.

Isang premyadong news reporter at documentarist si Atom Araullo. Ang kanyang dokyu na Warmer (Climate Change)  ay na­nalo ng Bronze Medal sa World’s Best TV and Films category ng 2017 New York Festivals.

Bahagi rin siya ng GMA7 News and Public Affairs show na “Reporter’s Notebook” at “I-Witness.”

SPRING FILM FULL BLAST ANG PRODUCTION NG PELIKULA

MAGIGING  aktibo sa pagpoprodyus ng pelikula ngayong taon ang Spring Films na pagmamay-ari nina Piolo Pascual, Direkspring films Joyce Bernal at Erickson Raymundo ng Cornerstone.

Maraming naka-line up na proyekto ang kanilang film outfit kasama na ang theatrical release ng 2018 Cinemalaya film na “Kuya Wes” na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid.

Kasama sa line up ng mga bagong pelikula nilang gagawin ang Walang Kaparis, ang balik-tambalan ng Alempoy, ang “I’m Ellenya L.” ang unang tambalan ng magdyowang Inigo Pascual at Maris Racal, “Puppy Love” na pagbibidahan ni Papa P., ang “Children of the Lake”, ang Marawi project ni Direk Joyce na pagsasamahan nina Piolo at Robin, ang animated feature na “Hayop Ka”, ang Lav Diaz project na “Ang Araw ng Itim na Nazareno”, ang “Sunshine Family” ang collaboration ng Spring Films at ng Korean film company na Film Line, ang “The Bouncer” na ididirek ni Ely Buendia, ang “Post Angst” na pamamahalaan ng Marcus Adoro ng Eraserheads, ang comedy film na “Chona, Istariray is Born”, ang “A short History of Parking Lots ni Ed Lejano at “Maboteng Usapan” ni Steven Paul Evangelio.

Ang Spring Films ang producer ng phenomenal hits na “Kita Kita” at “Kimmy Dora” at ng mga critically acclaimed films na “Relaks, It’s Just Pag-ibig”at “Meet Me in St. Gallen”.

Comments are closed.