ATONG ANG ITINANGGI NA NAKARELASYON ANG BARRETTO SISTERS

NAGSALITA na  rin  si  Atong  Ang  sa totoong relas­yon niya sa mga Barretto at hotshotstulad ng inaasahan ay tigas tanggi ito na may namamagitan nga sa kanila ng Barretto kahit na ibinuko na sila ni Gretchen.

Lahat  halos ng mga nakapanood ng pagsasalita ni Atong sa Saksi na itinatanggi na nagkaroon siya ng relasyon sa Barretto, especially kina Nicole at Claudine ay hindi naniniwala na walang namamagitan nga sa kanya at sa mga Barretto.

Nagsalita  na rin ang anak nina Gretchen at  Mr. Tony Boy Cojuangco na si Dominique Cojuangco kung bakit wala siya sa burol ng kanyang lolo Miguel Barretto na kung saan naganap ang away ng kanyang mommy Gretchen at pinsan na si Nicole at tita niyang sina  Marjorie at Claudine.

Nasa San Francisco na rin si Gretchen na pinapunta ng anak na si Dominique na nakatira na doon at nagtatrabaho.

“What  I need, a whole  lots of love. My little one @dominique asked  me to fly to San Francisco for her to feed me, she says  she won’t  let  me go home until I gain back  some weight,”  IG ni Gretchen.

Pero kahit nasa San Francisco ay hindi pa rin nagpigil si Gretchen sa mga pasabog about her sister at kung ano ba talaga ang totoo bago pa  man may pasabugin daw na balita si Marjorie.

Isa nga sa pinasabog at sinagot ni Gretchen ay kung bakit wala ang mommy  Inday nila sa hu­ling birthday celebration ng ama na ginanap sa bahay ni Marjorie.

“Because Marjorie did not invite  my mom to the gathering  & that`s  what  caused my dad’s attack.”

Nasa photo ni Marjorie sa kanyang IG ang buong Barretto family at kapansin-pansin na wala ang kanilang  Mommy Inday. Posted ‘yun last October 6: “Exactly one week  ago today, we were celebrating my Dad`s  82nd  birthday over lunch in my house. Right after the blowing of the candles on his cake, he took a nap and felt very ill. My siblings and I rushed  him to the nearest hospital, I could say it say  it  was the scariest  time for us all.  After that day , it has been a series of ambulance transfer, family meetings, non-stop praying  and a lot of family gathering at the ICU waiting area. All throughout this ordeal  a lot of love  and support has been  shown to us, most especially  to our wonderful  Dad. Im just feeling sad today, realizing  its been a week. And I guess we are all emotionally and physically  tired, but our faith, hope and unity  as  a family is stronger than ever. May I kindly ask for more prayers for our Dad.”

Pa-grabe nang pa-grabe ang gulo ng Barretto sisters. Sa halip na maglaho ay mas lalo pang gumugulo.Sino at ano pa ang nakagugulat na pasabog ng magkakapatid?

BUNSONG ANAK NI ALBERT MARTI­NEZ IKINASAL NA

IKINASAL na ang bunsong anak ni Albert Martinez na si Alissa last October 18 sa alissa martinezfiancé na si Paulus Reyes sa Canada.

Sa kanyang Instagram account ipinost ni Albert ang isang video kung saan inihahatid niya sa altar si Alissa.

“Tears of joy. Seeing my Alissa looking so happy and radiant is an amazing  experience, but  it is tinged with a little sadness because it`s  also the moment  you  realize she`s  all  grown  up,” caption ni Albert.

Si Liezel Sumilang Martinez na nanay ni Alissa ay yumao noong March  15, 2015 sa sakit na breast cancer.

Ang lola at lola naman niya na sina Romeo Vasquez at Amalia Fuentes ay pareho na ring yumao. Si Romeo noong May 2, 2017 at si Amalia naman ay last October 5, 2019.

BUBBLE GANG TULOY ANG PATAWA SA GITNA NG GULO SA SHOWBIZ              

SAMANTALA, anumang gulo sa showbiz industry ay nandiyan ang Bubble Gang na Bubble Gangnagbibigay ng kasiyahan at katatawanan every Friday sa GMA 7.

Ika nga sa showbiz, the show must go on whatever sadness ang danasin ng isang artista.

Kahit na nga punanaw ang ama ni Michael V kamakailan lang ay patuloy pa rin siya nagbibigay ng iba`t ibang katatawanan sa kanilang gag segment ng BG.

Ganyan ka-professional na actor/comedian/director si Michael V. pagdating sa pagbibigay ng kasiyahan ay na­ngunguna siya kasama ang BG barkada na sina Paolo Contis, Boy 2 Quizon, Valeen Montenegro, Kim Domingo at iba pa.

2 thoughts on “ATONG ANG ITINANGGI NA NAKARELASYON ANG BARRETTO SISTERS”

  1. 420590 15012Hiya! Great weblog! I happen to be a daily visitor to your web site (somewhat far more like addict ) of this web site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am searching forward for much more! 574392

Comments are closed.