STRAWBERRY Farm ang isa sa pinaka-tourist attraction sa bahagi ng Barangay Betag, La Trinidad sa lalawigan ng Benguet.
Bagaman walang direktang ruta ang ilang pampasaherong bus patungong strawberry farm mula sa Metro Manila at karatig lalawigan ay nagsisilbing daungan ang Baguio City.
Kaya karamihang lokal na turista ay bukang bibig ay “bakasyon tayo sa Baguio para matunghayan natin ang strawberry farm” sa pag-aakalang nasa bahagi ng nasabing lungsod ang strawberry farm.
Sa panayam ng Pilipino Mirror sa ilang farmers, umaabot sa 30 ektaryang lupain ang sakop na tanim ng strawberry.
Subalit noong 1960 ay 24 ektarya ang inilaan sa tinaniman ng ibang gulay sa pamamahala ng Benguet State University (BSU).
May apat na grupo sa kabuuang 50 farmers hanggang sa umabot sa 200 magbubukid ang nag-aasikaso sa malawak na strawberry farm.
Simula alas-6 ng umaga ay unti-unting dinadagsa ng mga turista mula sa Metro Manila ang tinaguriang “Strawberry capital of the Phils.”
Sinasabing ang pinaka-best picking season sa strawberry field ay buwan ng Marso hanggang Abril.
Karamihang turista ay pinapayagang pitasin ang mga bunga ng strawberry bago ilagay sa timbangan kung saan sa isang kilo nito ay aabot sa P200.
Samantala, may itinagda ang lokal na pamahalaan ng La Trinidad kaugnay sa pagsisimula ng Strawberry Festival o “Panaspulan” sa La Trinidad, Benguet noong1981 at naging ikatlong linggo ng Marso.
Pumukaw ng pansin ang strawberry farm sa Guiness Book of World Records 2004 makaraang lumikha ito ng largest strawberry shortcake.
Sa mga turistang magtutungo sa Baguio City na may sariling sasakyan ay maaring mag-park sa gilid ng kalsada na itinakdang parking area.
Maghanap lang ng parking lot na may mga traffic enforcer at parking fee na P50.
Tuwing sasapit ang 3rd week ng Marso ay matutunghayan ang iba’t ibang events ng Strawberry Festival.
Kabilang sa aktibidades ay ang strawberry eating contest, job fair, balikbayan day, cultural parade at iba pa.
May iba’t ibang stall sa labas ng Strawberry farm kung saan may mga panindang food canned na gawa sa strawberry, home decor, bracelet, at iba pang kakanin.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pampasaherong traysikel sa mga kalsada sa Baguio City kung saan maging ang pagdura o pagtatapon ng basura sa gilid ng lane kaya tinagurian ito na pinakamalinis na lungsod sa bansa.
Nagbubukas naman ang night market bandang alas-9 ng gabi hanggang ala-1 ng madaling araw sa kahabaan ng Harrizon Road.
Sa kabilang panig ng ibang bansa, may Strawbery farm din sa ilang states sa America at nagdaraos ng Strawberry Festival.
Noong 1977 ay idineklarang National Strawberry Festival sa Belleville, Michigan, USA na idinaraos tuwing 3rd week ng June.
Sinasabing naging strawberry capital of the world ang State of Oklahoma noong Setyembre 17, 2018.
Magugunita na noong Pebrero 1967, lumikha ng pop song ang “The Beatles” sa pangunguna ng yumaong si John Lennon na may pamagat na Strawberry Field Forever”.
Subalit ang tinutukoy na strawberry field ni Lennon ay hindi taniman ng strawberry kundi bahay-ampunan ng mga batang babae noong 1870.
Samantala, may iba pang kakaibang tourist attraction sa Baguio City kung saan kabilang na ang bagong bukas na “Igorot Stone Kingdom” sa Benguet Road, Pinsoo Proper, Baguio City.
Bandang alas-6 ng umaga nagbubukas ang nasabing tourist spot sa publiko at sarado bandang alas-6 ng gabi.
Sa mga senior na sinasabing malakas pa ang tuhod ay puwedeng lakarin paakyat ang ika-anim na palapag ng castle dahil walang escalator o elevator. MHAR BASCO