BANTAY-SARADO na ngayon ang attendance ng mga pulis matapos na magpalagay si National Capital Region Police Office chief Brig. Gen. Debold Sinas ng pitong biometric time clocks sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ayon kay Sinas, ito ay bahagi ng pagpapaigting ng internal cleansing sa hanay ng mga pulis.
Sa pamamagitan ng biometric clocks ay matitiyak na nag-duty ang 1,500 tauhan ng NCRPO, maliban sa Regional Mobile Force Battalion.
Sa pagpapairal ng bagong sistema ay siniguro ni Sinas na magkakaroon na ng disiplina ang mga pulis na madalas mag-absent at nale-late.
Bukod dito ay nagkabit din ng mga CCTV camera sa lahat ng gate ng kampo para malaman kung may pulis na mandaraya sa kanilang duty schedules.
Kasalukuyang pinag-iisipan kung maglalagay na rin ng biometrics system sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila.
Comments are closed.