ATTY. ARTES BALIK-MMDA

MULING  pamumunuan ni Atty. Romando Artes ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasunod ito ng ginawang pag-anunsiyo ng Office of the Press Secretary sa appointment ni Artes bilang acting MMDA Chairperson.

Papalitan sa puwesto ni Artes si Carlo Dimayuga III na itinalaga lamang sa ahensya nitong nakalipas na Agosto.

Unang nanungkulan sa MMDA si Atty. Artes bilang Assistant General Manager for Finance and Administration noong May 2017, at naging General Manager noong October 2021, habang naitalaga naman siyang Officer-In-Charge noong February 2022.

Samantala, tuluyan itong itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo duterte bilang MMDA Chairman noong Marso ng taong kasalukuyan. DWIZ882