ATTY. CHRISTIAN DE GUZMAN SIA, BAGONG MUKHA, BETERANO SA PUBLIC SERVICE

PORMAL  nang naghain ng kaniyang kandidatura sa Pasig Comelec ang two termer Councilor na si Atty. Christian De Guzman Sia para sa pagka-bise alkalde sa 2022 National and Local election sa nasabing lungsod.

Kasama ni Sia ang kasalukuyang Vice Mayor na si Iyo Christian Bernardo na magiging runningmate nito sa pagka-alkalde ng siyudad, kabilang na ang mga konsehal na lalaban sa unang distrito ng Pasig na sina Reggie Balderama, Migs Caruncho Trinidad, Jessie Gaviola, Bobot Guevarra at Jana De Leon habang sa ikalawang distrito naman ay sina Kaye Dela Cruz, Syvel Asilo, Apple Benito Charmie Benavidez at Steve De Asis.

Si Sia ay lehitimong taga-Pasig na ipinanganak ng mag-asawang Jaime Manabo Sia at Nenita Sta Ana De Guzman noong 1978 at pangalawa sa pitong magkakapatid.

Bagong mukha ngunit marami ng nagawa sa Lungsod Pasig ganito kung ituring ng Pasigueños ang abogadong nakilala sa kanyang libreng pagbibigay ng serbisyong legal.

Taong 2010 nang mahalal bilang number 2 councilor ng unang distrito ng Pasig habang taon 2013 ay naging topnotcher o naging number 1 councilor sa ikalawang termino nito.

Bilang isang abogado ng Sangguniang Panglungsod, isinulong niya ang resolusyon na nagbigay ng allowances sa Public Attoryney”s Office (PAO) dahilan upang mabigyan ng agarang tulong sa serbisyong legal ang kanilang mga mahihirap at naghahanap na hustisyang kababayan.

Dama ni Atty. Sia kung paanong maging mahirap dahil noong kanyang kabataan ay lagi siyang tumutulong sa kanyang mga magulang sa pagtitinda ng hopia at gulaman sa bangketa at palengke kaya naman alam ni Ian Sia ang pakiramdan ng mga taong nangangailangan.

Isa sa mga inihain na panukala ni Sia ay ipagbawal ang pagpigil ng paglabas ng ospital o kilinika ng mga pasyeteng nasa pribado at wala nang maibayad sa gastusin, kasama na rin dito ang pagbabawal sa pagbinbin ng pagpapalibing at namamahagi rin siya ng direktang tulong medikal sa libo libong pamilyang Pasigueños.

Maging ang matatanda sa kanilang lungsod ay lubos niyang pinahahalagahan sa pamamagitan ng pagbibigay parangal para sa 10 pinaka-natatanging matanda.

Pati ang pagbibigay kabuhayan ay hindi rin pinalampas ni Atty Sia sa iba’t ibang barangay na magkaroon ng Basic Hair-Cutting Course kabilang na ang Job Placement/Referral Program para naman sa kabataan.

Higit sa lahat, pinagtibay niya ang Accreditation ng Sangguniang Panglungsod ng maraming Non Government Organization o NGOs upang mapalakas ito at magsilbing watch dogs para sa maayos na pamumuno para malabanan ang korupsiyon at ang pang-aabuso sa kapangyarihan. Maria Theresa Briones

Comments are closed.