NAGBITIW na bilang tagapagsalita ng Korte Suprema si Atty. Theodore Te.
Isinumite ni Te ang kanyang irrevocable resignation letter kay Chief Justice Teresita Leonardo De Castro noon pang Agosto 29, 2018.
Sinabi ni Te na minarapat niyang magbitiw bilang tagapagsalita at Assistant Court Administrator dahil coterminous o sabay sa nakaupong punong mahistrado ang kanyang pagkakatalaga noon.
Si Te ay naitalaga noong 2013 sa panahon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na napatalsik sa puwesto sa pamamagitan ng quo warranto proceedings.
Naniniwala si Te na dapat malayang makapagtalaga ang bagong punong mahistrado ng nais niyang manungkulan bilang hepe ng Supreme Court-PIO.
Plano umano ni Te na bumalik muli sa pagtuturo na kanyang itinigil noong 2013 mula nang magsilbi sa Hudikatura.
Mananatili si Te sa Korte Suprema hanggang September 7, at ang hahalili naman sa kanya ay si Atty. Gleo Guerra bilang Acting Chief ng Supreme Court-PIO. TERESA CARLOS
Comments are closed.