AUDIT LOG COPY NG COMELEC NASA PPCRV NA

PCCRV Chairperson Myla Villanueva

NAKUHA na ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang audit log ng Commission on Elections (Comelec) mula sa transparency server nito.

Ayon kay PCCRV Chairperson Myla Villanueva, nais nilang lina­win ang tatlong bagay mula sa Comelec log.

Una ay kung tuluy-tuloy ang transmission ng resulta mula sa mga vote counting machines (VCMs) patungo sa transparency server sa sandaling hindi naipapadala ang datos sa PPCRV at media outlets.

Ikalawa ay kung ba­kit natigil ang pagpapadala ng datos mula sa transparency server patungo sa PPCRV at ikatlo ay kung kumpleto ba ang naipasok na datos mula nang maa­yos ang problema sa transparency server.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 98.3 percent ng mga election returns ang natanggap ng PPCRV mula sa kabuuang 87,540 na bilang ng mga clustered precincts.

Magugunitang pitong oras na nagka-aberya ang pagta-transmit ng resulta ng boto nuong Lunes ng gabi, Mayo 13.    DWIZ 882

Comments are closed.