TRIPOLI – PATULOY ang pagpapaliwanag ng mga opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) at quick reaction team sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Libya para samantalahin ang repatriation program ng pamahalaang Filipinas.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, mahigpit ang direktiba ng pangulo na pauwiin na ang mga Filipinong nasa Tripoli.
Marami aniya na sa mga OFW ang pumayag nang umuwi sa bansa.
Gayunman, sinabi ni Bello na hindi nila ito masyadong isinasapubliko dahil sa pakiusap ng mga opisyal ng Libya.
Samantala, tiniyak din ng kagawaran na mapapauwi ang lahat ng mga OFW ngayong isinailalim na sa alert level 4 dahil sa nagaganap na civil war sa nasabing bansa.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kapag nagmatigas ang mga ito na sumailalim sa force repatriation ay posibleng ipakansela nila sa DFA ang kanilang mga pasaporte.
Mapipilitan aniya nila itong gawin para sa kaligtasan ng mga manggagawang Pinoy sa Libya. GELO BAIÑO
Comments are closed.