NALUSUTAN ni Serena Williams ang error-strewn start upang dispatsahin si Anastasia Potapova at manatiling buhay ang kampanya para sa pagguhit ng kasaysayan sa Australian Open.
Ang 23-time Grand Slam ay nagtala ng 31 unforced errors subalit nadominahan ang Russian, 7-6 (7/5), 6-2, sa loob ng 97 minuto sa Rod Laver Arena upang maisaayos ang fourth-round showdown kay seventh seed Aryna Sabalenka ng Belarus.
“Definitely good to be in the fourth round,” wika ni Williams.
“I came out of the blocks not like I have been (before). But it’s all about surviving and playing better every round.”
Ang 10th seed ay naghahabol sa Margaret Court’s record 24 Grand Slam tally.
Makakasagupa ni Williams, ang seven-time Australian Open champion, sa Linggo si Sabalenka na namayani kay American Ann Li, 6-3, 6-1, para sa isang puwesto sa quarterfinals.
Comments are closed.