HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Australian hacker upang maiwasan magkalat sa Pilipinas ng kanyang modus.
Kinilala ng mga tauhan ng BI’s Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ang suspek na si Risteski Borche, 40-anyos na sakay ng Cebu Pacific flight mula sa Sydney.
Ayon sa report, si Risteski ay nasa ilalim ng Interpol alert bunsod sa pagiging wanted kaugnay sa paglabag ng Art. 251 of the Criminal Code ng Republic of Maccedonia Australian.
May kaparusahan ng apat na taon pagkakulong ang suspek. FROILAN MORALLOS