AUSTRALIAN OPEN: NO. 3 SEED ZVEREV SIBAK SA 4TH ROUND

SIBAK si No. 3 seed Alexander Zverev ng Germany sa fourth round ng 2022 Australian Open nitong Linggo.

Isang Olympic gold medalist sa Tokyo 2020, si Zverev ay natalo sa lahat ng tatlong sets laban kay Denis Shapovalov sa Margaret Court Arena, na isang impresibong panalo para sa Canadian player.

Ranked 14th sa mundo, naitala ni Shapovalov ang  6-3, 7-6 (7-5), 6-3 panalo para makausad sa quarterfinals, kung saan makakasagupa niya si Spanish superstar Rafael Nadal.

Pinatalsik ni twenty-time Grand Slam champion Nadal si Adrian Mannarino ng France sa fourth round sa Rod Laver Arena.

Nahirapan si Nadal laban kay Mannarino sa first set at nanalo sa dikit na iskor, 7-6 (16-14).

Nadominahan ng 35-year-old Spanish national ang   second at third sets, 6-2, 6-2, upang umabante sa quarterfinals.

Nagmartsa rin si Ashleigh Barty, ang world no. 1 sa women’s singles, sa Australian Open quarterfinals.

Makakaharap ng Australian player si US opponent Jessica Pegula sa last eight makaraang sibakin si  Amanda Anisimova sa fourth round, 6-4, 6-3.

Samantala, pinatalsik naman ni Pegula si Greek fifth seed Maria Sakkari sa straight sets, 7-6 (7-0), 6-3.

Makakabangga naman ni Czech player Barbora Krejcikova si  Madison Keys ng US sa last eight.

Tinalo ni world no. 4 Krejcikova  si Victoria Azarenka ng Belarus, 6-2, 6-2.