HINDI pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa bansa ang Australian professor na si Gill Hale Boehringer dahil natuklasan ang kanyang pangalan sa listahan ng mga blacklisted na dayuhan.
Ayon sa rekord ng BI, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 si Boehringer noong Agosto 8 sakay ng China Airlines galing Guangzhou, China.
Agad na hinarang si Boehringer ng mga immigration officer.
Batay sa rekord, si Boehringer ay lumahok sa isang rally sa bansa noong Nobyembre 2015.
Sa ilalim ng BI Operations procedure, mahigpit na ipinagbabawal sa mga foreigner na sumali sa political activities ng Filipinas at pinaniniwalaang magiging banta sa seguridad ng bansa.
Agad na pinabalik si Boehringer sa kanyang pinanggalingan at hindi na ito makababalik sa Filipinas. FROI MORALLOS
Comments are closed.