VIENNA – PINAYUHAN ang mga Filipino sa Austria na mag-ingat sa pagbibitiw ng salita kaugnay sa isyong politikal nang magkaroon ng iringan ang Germany at nasabing bansa.
Ang paalala ay upang hindi na madamay pa ang mga Filipino lalo na ang mga overseas Filipino worker doon.
Nag-ugat ang umano’y iringan nang akusahan ng Vienna ng umano’y pang-eespiya ang German intelligence agents sa mga politiko at international organizations sa kanilang teritoryo.
Lumabas sa dalawang pahayagan sa Austria na sa pagitan ng mga taong 1999 at 2006, tiniktikan umano ng federal intelligence service ng Germany na BND ang nasa 2,000 targets na nasa mga institusyong politikal, mga bangko, kompanya, pagawaan ng armas, at iba pa.
Ayon kay Austrian Chancellor Sebastian Kurz, hindi dapat nagkakaroon ng ganitong mga bagay sa pagitan ng magkaalyadong bansa.
Sinabi ni Kurz na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa goberno ng Germany hinggil sa nasabing isyu.
Una nang lumutang ang naturang isyu noong 2014 kung saan tinulungan umano ng German intelligence ang mga Amerikano sa pagmanman sa mga European official at firms.
Bunsod nito, nagsampa ng legal complaint ang Vienna isang taon makalipas ang insidente. PM Reportorial Team
Comments are closed.