MULA nang mag-viral sa social media ang paraan ng pagsasalita ni Ken Chan sa top-rating soap nilang “My Special Tatay” (na kinakabog ang katapat na show mereseng all star cast ang drama nito… Hahahahaha! Nakiusap naman ang The Autism Society Philippines (ASP) na tigilan na nang mga tao ang kung tawagin nila’y “The Boyet Challenge.”
In the GMA7 teleserye, Ken delineates the role of a young dad who has mild intellectual impairments coupled with mild Autism Spectrum Disorder.
Ginamit ng non-profit organization ang kanilang Facebook para i-post ang kanilang official statement:
“The Autism Society Philippines condemns the latest social media experiment called “The Boyet Challenge” (where participants mimic the title char-acter from the soap opera #myspecialtatay as thinly-veiled instruments of ridicule of those who live with #autism and intellectual disabilities.
“All this as we commemorate the National Autism Consciousness Week!
“Republic Act 9442 protects PWDs from ridicule and villification; and imposes fines and imprisonment as penalties to violators.
“Pero kahit walang batas, makatao ba na pagtawanan ang mga kapatid nating may kapansanan? Huwag gawing kutya o katatawanan ang pagka-karoon ng autismo.”
Ang Autism Society Philippines ay aware na hindi naman nagsimula sa kontrobersiyal na “Boyet Challenge” ang pagtatawa sa mga taong afflicted with au-tism.
Sang-ayon sa kanilang Facebook page, The Autism Society Philippines aims to create a “society where persons with autism become the best of their potentials, self-reliant, independent, productive, socially-accepted citizens.”
Ang ASP na magsi-celebrate ng kanilang 30th year ngayong 2019, ay nakikiusap na huwag nang gamitin ang salitang “autistic” bilang pagbibiro o pang-iinsulto.
REGINE VELASQUEZ DAPAT NANG MAG-REDUCE
HINDI na nga slim si Yeng Constantino, nagmukha pa itong super slim and sexy nang makasama niya sa isang production number sa ASAP Natin To ang tabachingching na si Regine Velasquez. Oh, my God! Hahahahaha!
At this point, dapat na sigurong seryosohin ni Ms. Regine ang kanyang pagda-diet dahil kahit sino ang kanyang katabi ay nagmumukhang slim at slightly anorexic. Hahahahaha!
Si Yeng nga lang ay nagmukhang slim-slim-an dahil sa mabultong pangangatawan ni Regina gayung she is not that slim actually. Hahahaha!
Bakit naman a few years ago ay nagmukhang payat-payatan siya nung magkaroon siya ng concert sa Araneta?
But she is almost fifty years old now. Maybe her metabolism has become dormant and stagnant.
Dormant and stagnant daw, o! Hahahahaha!
No wonder, sa show nilang ASAP Natin To, nabawasan na ang kanyang participation.
Mukhang si Sarah Geronimo na ang ginagawang front runner dito dahil sa siksik na pangangatawan ni Regina. Hahahahaha!
‘Yun nah!
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.