DAHIL malapit na ang holiday season, naglipana na naman ang mga masasamang-loob sa ating kapaligiran.
Kaya maagap ang pulisya sa pagpapaalala sa publiko na maging maingat upang hindi maging biktima ng iba’t ibang modus.
Kung ano-ano kasing paandar ngayon ng masasamang elemento sa ating lipunan.
Kahit kaliwa’t kanan na ang deployment ng mga awtoridad, pinag-iingat pa rin ang lahat upang hindi maging biktima ng modus operandi ng mga kriminal.
Kamakailan nga, nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BFP) sa publiko na mag-ingat sa tinatawag na auto loan “pasalo-benta” o assume balance scams.
Namumutiktik daw kasi ang mga ganitong modus ngayon kung saan tinatarget ang car buyers na nais makatipid o kaya’y sellers na gustong ipasa sa iba ang kanilang liabilities.
Ang siste, bibili ang isang miyembro ng sindikato ng sasakyan mula sa seller at lalagda ng agreement para ito na raw ang magpatuloy ng pagbabayad sa auto loan.
Gayunman, ang bogus buyer ay wala talagang intensiyon na magbayad ng natitirang amortization at sa halip ay ibebenta niya ito sa isa pang biktima (end-buyer) gamit ang palsipikadong dokumento.
Sa bandang huli, talo ang end-buyer dahil mahahatak sa kanya ang sasakyan.
Batay sa isang memo, ipinanawagan ng BSP ang pagpapatupad ng customer identification at verification procedures bilang bahagi ng pag-iingat.
Sa panig nga ng Philippine National Police (PNP), ang vehicle-related crimes ay ginagawa sa pamamagitan ng fabricated conduction stickers, plate numbers, falsified documents tulad ng IDs at employment certificates, at maging ang identity theft.
Natatandaan ko pa na matagal na ring ibinunyag ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mga katulad nitong modus.
Bukod sa Rentangay, nariyan din ang assume balance na akala mo matinong tao ang kausap mo pero miyembro pala ng sindikato.
Ang iba naman, gumagamit ng pangalan ng ibang tao para mag-apply ng car loan.
Siyempre, kapalit nito, pangangakuan sila ng commission sa paggamit ng kanilang pangalan.
Oras na maaprubahan ang car loan ay papipirmahin ang biktima ng mga blangkong delivery receipt, deed of sale with assumption of mortgage, at iba pa.
Ganyan ka-organisado ang sindikato.
Matapos ang ilang buwan, hahabulin na ng mga bangko ang mga biktima dahil hindi nababayaran ang monthly amortization.
Ang masaklap pa, ang mga sasakyan ay nabenta na rin sa ibang tao.
Kaya kawawa ang 10 empleyado ng isang pabrika na napapayag ng sindikato na gamitin ang kanilang pangalan.
Ito’y dahil nagkautang na sila sa bangko, nagka-asunto pa sa pagkawala ng sasakyan.
Nawa’y may ganitong task force ang PNP na siyang tututok sa mga ganitong kaso.
Dapat ding mag-ingat sa lahat ng pagkakataon lalo na sa mga ganitong uri ng modus at tiyakin na legal ang mga pinapasukang transaksiyon.
355554 814683Woh Everybody loves you , bookmarked ! My partner and i take issue in your last point. 352172