PINAHUSAY ng Land Transportation Office (LTO) ang Land Transportation Management System (LTMS) at ang Driver Educa-tion Program (DEP) sa pamamagitan ng paggamit ng online management system para sa episyenteng monitoring sa mga pagla-bag at penalties kaugnay sa pagkuha ng driver’s license.
Ayon sa LTO, tutukuyin din ng online sytem ang validity ng 10-year driver’s license ng mga motorista.
“This will allow LTO to assess whether a motorist with a valid driver’s license is worthy of a 10-year-validity license. The proper education of drivers is also envisioned to improve driving habits and driving performance of our motorists which is the basis of a 10-year-valid license,” pahayag ng LTO sa isang statement.
Nag-isyu si LTO director Assistant Secretary Edgar Galvante ng dalawang memos na nag-aatas sa regional offices at executives na “i-enroll ang lahat ng accredited driving schools at instructors nito sa bagong Drivers Licensing System ng LTMS.”
Ang bagong online system ng LTMS ay nag-aatas sa lahat ng driving schools, representatives at accredited instructors na dalhin ang accreditation certificates sa LTO office na pinakamalapit sa kanilang driving school location sa o bago ang Agosto 30, 2020.
Sakaling ‘di pa available ang LTMS, ang mga officer ay inaatasang i-scan at i-upload ang driving course certificates of completion kapag prinoseso ang driver’s license transactions. Pinatitiyak din na tunay ang naturang certificates.
Ayon sa LTO, may 129 sa mga tanggapan nito ang ia-upgrade ang LTMS upang masiguro na ang driver’s license records ay automated.
Comments are closed.