AUTOMATIC PRICE CONTROL UMIIRAL SA BATANES – DTI

DTI- PRICE CONTROL

BINALAAN ng DTI ang mga negosyante sa Batanes na ‘wag magsasamantala matapos tumama ang kalamidad sa kanilang lalawigan.

Ayon sa DTI, umiiral ngayon sa Batanes ang price freeze kasunod ng deklarasyon ng state of calamity matapos ang dalawang malakas na lindol noong Sabado.

Sa mga lalabag, parusang may kasamang pagkakakulong ang kaakibat ng pagsasamantala sa presyo ng bilihin.

Batay sa RA 7581 o price act, awtomatikong price control ang ipatutupad sa ilalim ng state of calamity para maiwasan ang kaguluhan dulot ng mataas na presyo ng bilihin.

Kabilang na rito ang bigas, tinapay, mais, mga karne, itlog, isda kape, asukal at iba pa.

Dapat mananatili sa presyo ang nabanggit na produkto tulad ng halaga bago pa man tumama ang kalamidad maliban kung alisin ito ng Pangulo.

15 days para sa petrolyo LPG at kerosene bago ang deklarasyon sa state of calamity habang 60 days para sa basic necessity.

Kapag napatunayang lumabag sa Price Act, kulong ng 1 hanggang 10 taon at multa na 5,000 pesos hanggang isang milyong piso ang parusang kahaharapin.