IKINASA ng Department of Budget and Management (DBM), kasama ang Government Procurement Policy Board (GPPB), na katuwang ang United Nations Office on Drugs and Crime, ang dalawang araw na validation exercise at culminating activity para sa pilot testing sa paggamit ng revised procurement reports na mahalagang bahagi finalization.
Ang hakbang ay pangako ng DBM na maisulong ang procurement process at ituloy ang pamamalakad para sa finalization sa revised Procurement Reports.
“Our shared efforts in this endeavor signify our firm belief and stance that the conduct of proper procurement should be guided by bureaucratic efficiency, transparency, and service to the people,” ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman.
Ang nasabing event ay nagbigay daan para sa clarification, bridging gaps, at maisulong ang Procurement Reports para sa paghahanda ng automation nito.
Ang Pilot Testing ng revised Procurement Reports ay inaprubahan ng GPPB nitong April 7, 2022 na inisyal na hakbang para sa automation para matiyak ang kabuuan ng vital information gayunin ang responsiveness ng mga nasabing impormasyon na kailangan sa Procuring Entities (PEs).
Ang mga nabanggit na Procurement Reports ay magbibigay daan para sa malinaw at real-time picture ng procurement performance nito para makapag-generate ng diagnostics na makatutulong at magtakda ng prayoridad sa action plans para sa improvement.
“Our presence during this two day co-creation activity is an affirmation of our shared commitment towards a more agile and responsive public procurement system; one that leverages the use of data analytics to better inform our procurement planning and enhance procurement efficiency in government,” ayon naman kay GPPB Executive Director Rowena Candace Ruiz.
Bilang bahagi ng culminating activity, nagkaroon ng ceremonial signing para sa Data Sharing Agreement ng GPPB at ng Securities and Exchange Commission.
“Indeed, the implementation of the revised Procurement Reports and the Data Sharing Agreement with SEC will be a game-changer not only in the field of planning and monitoring but on the procurement operations as a whole,” ayon pa kay Pangandaman. EVELYN QUIROZ