AVC CUP: ALAS PILIPINAS KINAPOS SA CHINA

YUMUKO ang Alas Pilipinas sa China, 25-19, 25-22, 25-22, sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa 2024 AVC Challenge Cup for Men Lunes ng umaga (Philippine time) sa Bahrain.

Tabla ang dalawang koponan na may tig-4 points sa kaagahan ng third set bago lumamang ang China sa 17-14 matapos ang service error mula kay Joshua Retamar. Gumawa rin ang China ng service error, at inilapit ni Jau Umandal ang nationals sa 16-17 bago ang krusyal na net touch na itinawag sa Alas Pilipinas na nagbigay sa kalaban ng 18-16 bentahe.

Lumapit ang Pilipinas sa 21-23 bago naabot ng China ang match point, subalit naisalba ni Jade Disquitado ang isa at binigyan ang  nationals ng maliit na tsansa bago sinelyuhan ng China ang panalo.

Balik-aksiyon ang Alas Pilipinas sa Martes kontra Bahrain.

Ang top two teams lamang mula sa bawat grupo ang aabante sa quarterfinals ng torneo.