TAMPOK ang walong laro sa main draw ng Smart Asian Volleyball Confederation (AVC) Nuvali Open na papalo simula ngayong Huwebes.
Ang mga laro na kinasasangkutan ng 46 koponan mula sa pitong Asia-Oceania countries ay madedetermina matapos ang preliminary inquiry na nakatakda Miyerkolea ng gabi sa isang general meeting na nakatuon din sa inaasahang temperatura sa four-day event sa world-class Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.
Magsisimula ang mga laro sa alas-8 ng umaga at mabibili na ang tickets sa www.ticketmax.ph kung saan ang beach volleyball fans ay maaaring maka-avail ng P220 day pass. Ayon kay event director Antonio Carlos Jr., walang laro sa pagitan ng alas-12 ng tanghali at alas-2 ng hapon.
Aniya, sina AVC Technical Delegate Thomas Chang (Hongkong) at Referee Delegate Jayaraman Srinivasan (India) ang bahalang magdesisyon sakaling tumaas ang temperatura.
Sinabi ni organizing Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara na handa na ang lahat at nasa kondisyon na ang Nuvali Sand Courts ng Ayala Land para sa ikalawang hosting nito ng isang major international competition matapos ang Volleyball World Beach Pro Tour Challenge noong nakaraang Disyembre.
“Everything is ready for the PNVF’s first major international competition for the year and precautions—such as breaks at noonwhen the sun is at its hottest—and medical teams well-equipped for heat-related incidents—are also in order,” sabi ni Suzara.
Ang Philippine teams sa ilalim nina Brazilian coach Joao Luciano Kiodai at Mayi Molit-Prochina ay kinabibilangan ng women’s pairs nina Gen Eslapor at Kly Orillaneda, at Alexa Polidario at Jenny Gaviola at ng men’s tandems nina James Buytrago at Rancel Varga at Ranran Abdilla at AJ Pareja.
Tatlong teams mula Australia, Japan at Thailand, at dalawang pares mula Hong Kong, Singapore, Kazahkstan at New Zealand, gayundin ang women’s squads mula Indonesia, Macau at Malaysia ang sasabak sa torneo.
Sa men’s division, ang Australia, Japan at Thailand ay nagpasok ng 3 koponan, ang Indonesia, Kazakhstan, Iran at New Zealand ay may tig-2, habang ang China, Malaysia, Hong Kong, Singapore at Macau ay lalahok din.
CLYDE MARIANO