Avin Ong, CEO ng Fredley Group of Companies

Jayzl Villafania Nebre

Si Avin Ong ang founder ng Fredley Group of Companies, isang master franchise collection ng 120 restaurant and café branches sa Pilipinas na may mahigit 1,000 empleyado sa siyam na magkakahiwalay na brands, kasama ma ang Macao Imperial Tea, Nabe Japanese Izakaya and Hot Pot, Mitasu Yakiniku, New York Fries & Dips at Liang Crispy Rolls. Palalakihin pa ito sa 250 branches at madadagdagan pa ang bilang nga empleyado.

Nakatapos ng double MBA si Avin sa Ateneo de Manila University at ESSCA – Ecolé de Management in Budapest, isang honours degree sa De La Salle University at global experience naman sa Deutsche Bank. Siya ang nagpapatakbo ng kumpanya, at umaako ng corporate social responsibility initiatives pati na ang adbokasiya niyang Street Education Programme.

Nagsimula rin sa mababa si Avin. Nagpapake at nag-a-assemble siya ng mga hanger dati para makatulong sa kanyang mga magulang. Pitong taon pa lamang, kumikita na siya sa pagtu-tutor. At noong high school, pumasok na srin siya sa F&B industry sa pagbebenta g fruit shakes sa palengke.

Sa edad 28, isa na siyang self-made entrepreneur na tinanghal na Injap Sia Outstanding Young Entrepreneur noong 2018. Kinilala rin siyang young visionary restaurateur sa Asian Dragon Magazine at CEO Magazine. jvn

Apektado man ng nagdaang pandemya, hindi siya sumuko. Dapat daw,ang negosyo ang nag-a-adjust sa sitwasyon.

Kaya nga nag-shift sila sa cashless business, kung saan ang pagbabayad ay online, GCash o paymaya. Kasi naman, laging safety ang kanilang priority.

Sabi ni Avin, walang trabahongm ahirap sa taong masipag, at kung kinaya niya, kakayanin din ng iba.