AVISADO ACTING DBM SEC

Atty Wendel Avisado

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Davao City Administrator Atty. Wendel Avisado bilang Acting Secretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Ito ang kinumpirma kahapon ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan papalitan ni Avisado si Acting Secretary Janet Abuel.

Si Avisado ay una nang itinalaga ni Pangulong Duterte bilang Presidential Assistant for Special Concerns sa Eastern Visayas para mangasiwa sa resettlement ng mga pamilyang nasalanta ng bagyong Yolanda  noong 2013.

Nagsilbi si Avisado bilang city administrator mula 2004 hanggang 2010 noong alkalde pa lamang ang ­Pangulong Duterte.

Samantala, babalik naman bilang undersecretary for legal affairs si Abuel na pansamantalang humalili kay dating DBM Sec. Benjamin Diokno, na nahirang bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). EVELYN QUIROZ

Comments are closed.