AVOCADO TUNA SANDWICH

AVOCADO TUNA SANDWICH

(Ni CT SARIGUMBA)

KUNG may isa mang mahirap gawin, iyan ang pag-iisip ng masasarap na pagkaing maihahanda natin sa ating pamilya. Sa araw-araw nga namang pag-iisip ng mga masasarap na pagkain, kung minsan ay na-wawalan na tayo ng ideya.

Hindi rin naman kasi puwedeng paulit-ulit na lang ang ihahanda natin. Siyempre, kahit na sabihin nating masarap ang inihahanda natin sa kanila at gustong-gusto nila, kung paulit-ulit naman nila iyong kinakain, magsasawa rin sila. Maghahanap din iyan ng ibang putahe o ibang lasa.

Gayunpaman, sa pag­hahanda o pag-iisip ng mga pagkain para sa a­ting pamilya, hindi lamang linamnam nito ang dapat nating pagtuunan ng pansin kundi dapat ay healthy rin. Kaya naman, isa sa mga pagkaing masarap na at healthy pa ay ang tuna sandwich. Simpleng-simple lang itong gawin. Puwede mo ring turuang gumawa nito ang anak mo.

Simple nga lang naman gawin ang tuna sandwich. Ilan sa mga nakadaragdag ng sarap nito ay ang tuna at mga gulay na puwedeng isama gaya ng celery, tomatoes, pickles, onion, lettuce at parsley. Kaysa nga naman mag-isip pa tayo ng kung ano-ano, bakit hindi natin subukan ang tuna sandwich. Ma­rami rin namang bersiyon o klase ang paggawa nito, depende sa gusto mong isamang sangkap. Puwede ka rin namang mag-imbento. Para rin mas sumarap ang tuna sandwich na ihahanda mo, puwede mo ring i-toast muna ang bread. Puwede rin namang wheat bread ang gamitin.

At dahil nga naman gusto nating maging healthy at masarap ang tuna sandwich na ating ihahanda, gagawa tayo ng Avocado Tuna Sandwich. La-lagyan natin ng twist ang simpleng tuna sandwich. Sasamahan natin ito ng mashed avocado.

Napaka-healthy nga naman ng avocado. Ayon sa healthline.com, nutritous ang nasabing prutas. Mas mataas din umano ang taglay nitong potassium kaysa sa saging. Nagtatag­lay rin ito ng heart-healthy Monounsaturated Fatty Acids. Ibig sabihin, 77% ng calories nito ay mula sa fat.

Bukod pa rito, loaded din ng fiber ang avocado. Nakatutulong din ang pagkain ng avocado upang mapababa ang Cholesterol at Triglyceride levels.

Ilan lamang ang mga nabanggit na benepisyo o kagandahang naidudulot ng avocado sa ating  kalusugan. Kaya naman, isama na sa diyeta ang avoca-do.

AVOCADO TUNA SANDWICH RECIPE

Sa mga gustong gumawa ng tuna sandwich, narito ang isang recipe na simple lang pero sa sarap, panalong-panalo.

Ang mga sangkap na kakailanganin natin sa paggawa ng tuna sandwich ay ang 2 cans ng tuna in water, 1 medium stalk ng celery, lettuce, tomatoes, 1 pirasong onion, 1/2 cup salad dressing, 1 teaspoon lemon juice, salt and pepper, sliced bread, smashed avocado at cucumber slice.

Paraan ng paggawa:

Siguraduhing malinis ang mga kamay bago magsimula.

I-drain lang ang tuna. Hugasan ang celery saka hiwa-hiwain. Hugasan din ang kamatis at cucumber saka hiwain. Hugasan din muna ang lettuce saka paghiwa-hiwalayin at patuluin.

Pagkatapos ay pagsamahin sa isang lalagyan ang tuna, mashed avocado, celery, onions, salad dressing, lemon juice, asin at paminta. Pagkatapos ma-halong mabuti, puwede nang i-assemble ang tuna sandwich.

Sa pag-assemble, kumuha lang ng bread, lagyan ng lettuce, cucumber, tuna spread at tomatoes.

Kung tutuusin, marami tayong puwedeng ihandang pagkain o pang merienda para sa ating pamilya. Mag-isip lang tayo. Hindi rin naman kailangang kung ano lang ang alam nila o hilig nilang kainin, iyon lang ang ihahanda natin. Mas maganda kung patitikimin natin sila ng mga kakaibang putahe o pagkain. Iyong mga pagkaing bago man sa kanilang paningin at panlasa, paniguradong magugustuhan naman nila.

Hindi ba’t napakadali lang gawin ang Avocado Tuna Sandwich. Simple lang pero panalo sa sarap!

Comments are closed.