TILA ang mas pinag-uusapan ngayon ay ang naganap na “pag-aaway” ng magdyowang Ruru Madrid at Bianca Umali kaysa sa na-ganap na premiere night ng movie nina Ruru at Jasmine Curtiz-Smith.
Gumawa raw diumano ng eksena si Bianca sa parking lot ng Mega Mall kung saan nga ginanap ang premiere night ng movie nina Ruru at Jasmine last Tuesday.
Dumalo kasi si Bianca sa naturang event na hindi inaasahan ni Ruru at marami nga raw ang natuwa dahil matagal na nga silang nali-link sa isa`t isa.
Pero may eksenang naganap sa parking lot ng naturang mall dahil pagkatapos ng premiere night ng movie ay nagkaroon diumano ng mainitang pagtatalo sina Ruru at Bianca na nasaksihan ng mga tao na naroroon din that time.
Ayon sa nakasaksi, nakita raw ni Bianca si Jasmine na nakasakay sa kotse ni Ruru na kung saan nakasakay din si Direk Ice Idanan at handler ni Jasmine. Ayon pa sa source, papunta sila sa cast party para sa pelikula.
Nang makita diumano ni Ruru ang sasakyan ni Bianca sa parking lot ay nilapitan ng actor ang rumored girlfriend pero ang nangyari raw ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na umabot diumano na tinulak ni Bianca ang actor.
Pagkatapos ng eksenang pagtatalo diumano ng dalawa ay sumakay na sa kanyang sasakyan si Bianca at pinaharurot ito at akmang sasagasaan pa raw si Ruru dahil sa matinding pagseselos.
Ayon sa source, nakisakay na raw sina Jasmine at direk Ice sa sasakyan ni Ruru para sabay-sabay na silang pupunta sa inihandang cast party para sa pelikula dahil walang dalang car ang utol ni Anne Curtis.
Noon pa raw ay may balitang selosa raw talaga si Bianca at madalas nga raw itong magselos kay Jasmine habang ginagawa ang movie na pinagsamahan nina Ruru at younger sister ni Anne Curtiz.
Bukas ang pahina namin para sa panig ng mga taong involved sa “gulo” na nangyari sa parking lot ng mall.
Sigurado kami pagdating ng panahon kapag nasa hustong edad na si Bianca ay mapagtatanto nito na mali ang kanyang ginawa at mali ang sinayang na panahon para pag-ukulan ng pansin ang pag-ibig kaysa asikasuhin ang kanyang showbiz career.
Sa ganda at seksi ni Bianca ay sigurado kami na maraming mahuhulog o mabibighani sa kanya at doon niya pa lang malalaman na hindi siya dapat nagpakabaliw sa isang lalaki.
ALAGAD NI QUIBOLOY RUMESBAK KAY VICE GANDA
HINDI pinalampas ng isang alagad ni Pastor Quiboloy sa ginawang “pambabastos” daw ni Vice Ganda sa kanilang nirerespetong Pastor.
Hindi nagustuhan ng isang alagad na ginawang katatawanan ang kanilang Pastor Quiboloy sa programang It`s Showtime.
Inamin ng alagad ni Pastor na nasaktan sila sa banter nina Vice, Jhong Hilario sa programa dahil ginawa umanong katatawanan sa telebisyon ang Pastor.
“Ipahinto mo ang “Probinsyano.” Napa-
hinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang niyo pala, e,” say ni Vice na alam naman ng lahat ay nagpapatawa lang ito.
“Sabi niya raw, stop. Sige nga! Punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic du`n!” say pa ni Vice.
Marami pang sinabi ang tila alagad o nagmamahal kay Pastor na damang-dama mo talaga ang galit nito sa ginawang katatawanan ni Vice sa kanilang Pastor.
Tila may pagbabanta at galit na galit na nagpahayag ng saloobin ang mga nagmamahal sa pastor.
“Kayong mga taga-ABS, after money lang kayo, after rating lang kayo!
“Yan po ‘yang talent niyong ‘yan, inyo pong pagsabihan ‘yan! Pasalamat kayo… sana ‘di ‘yan masalubong ng mga taong nagagalit sa kanya, baka may paglagyan ‘yang mamang `yan! Mama naman yan e! ‘Di naman babae ‘yan, e! Huwag niyong iinsultuhin ang Pastor dahil ‘di ninyo kilala nang personal yan!” ang galit na galit na salitang binitawang salita ng kaibigan ng Pastor.