MAYNILA – PINANINIWALAANG away sa negosyo ang motibo sa pagpapasabog ng granada sa isang restaurant sa Barangay San Miguel na ikinasugat ng isa katao.
Ayon sa Manila Police District, alas-3:30 ng hapon noong Sabado nang hagisan ng granada ang restaurant, na pag-aari ng isang Mr. Tinio, sa panulukan ng 5th Street at Concepcion Aguila Street.
Sa kuha ng CCTV ng Barangay 638, makikita ang isang lalaki na nakasakay sa motorsiko ang naghagis ng granada pagdaan nito sa restaurant.
Ang suspek ay nakasuot ng short at itim na long sleeve na pantaas at hindi kita ang mukha dahil sa suot na helmet.
Bukod sa granada ay hinagisan din ng martilyo ang bintana ng establisimiyento.
Nakakatanggap umano ng banta sa pamamagitan ng text message ang may-ari ng restaurant.
Nanindigan naman ni MPD Director BGen. Vicente Danao Jr. na hindi terorismo ang motibo ng pagpapasabog at posibleng away sa negosyo o personal na . PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM.
Comments are closed.