AWOL ARMY HULI SA ILLEGAL DRUGS

army

QUEZON CITY –ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Director, Police Brig-adier General Joselito T. Esquivel Jr., ang isang (absent without official leave) na army sa anti-drug operations sa lungsod na ito.

Kinilala naman ni Esquivel ang suspek na naarestong si  Eril Laustristica alyas Toto, 33, AWOL army at si Daisy Prutente alyas Che, 39, kap­wa mula sa Brgy. Immaculate, na naaresto sa pinagsanib na buy bust operation na ikinasa ng mga tauhan ng Cubao Police Station (PS 7) sa ilalim ng pamumuno ni  Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao at sa pakikipag tulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Naaresto ng mga tauhan ng Cubao Police ang mga suspek bandang alas-10:30 ng gabi noong Hunyo 18, sa EDSA North Bound. cor. Aurora Blvd. Brgy. E. Rodriguez, Cubao at nakuha mula sa mga suspek ang 8 sachets ng shabu aat ang buy bust mo­ney.

Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Agad namang itinurned-over sa Que­zon City Crime Laboratory ang mga nakuhang ebidensiya. PAULA ANTOLIN

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *